^

Metro

MRT-3 libre tuwing Miyerkules ng Agosto – DOTr

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
MRT-3 libre tuwing Miyerkules ng Agosto – DOTr
Ayon sa advisory ng Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes, hindi na magbabayad ang mga mananakay sa mga petsang Agosto 5, 12, 19, at 26, simula alas-7 ng ­umaga hanggang alas-9 ng ­umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
DOTr, Release

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng libreng sakay ang ­Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) tuwing araw ng Miyerkules sa loob ng buwan ng Agosto, sa seleb­rasyon ng pagsasabatas ng Republic Act 11055 o (Philippine Identification System Act) sa mga magpiprisinta ng balidong national ID.

Ayon sa advisory ng Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes, hindi na magbabayad ang mga mananakay sa mga petsang Agosto 5, 12, 19, at 26, simula alas-7 ng ­umaga hanggang alas-9 ng ­umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Mag-aalok din ng hiwalay na libreng sakay sa Setyembre 16, 2026, bilang pagdiriwang ng Global Identity Day.

Maaaring ipakita ng mga commuter ang kanilang pisikal na National ID, Digital ID, o ePhilID sa papel na format upang ma-avail ang ­libreng serbisyo.

Ang inisyatiba ay partnership ng DOTr-MRT-3 at Philippine Statistics Authority (PSA), na nagsasagawa rin ng National ID registration sa Araneta-Cubao at Taft Avenue stations ng MRT-3.

Itinatag ng RA 11055 ang Philippine Identification System (PhilSys), ang nag-iisang national ID system ng bansa na pinangangasiwaan ng PSA.

DOTR

MRT-3

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with