^

Pang Movies

Janine at Echo, nadulas na mag-asawa na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Janine at Echo, nadulas na mag-asawa na!
Janine at Echo

Kabilang sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales sa Kapa­milya stars na nakisaya sa Barrio Fiesta sa London.

Nakapamasyal ang couple at isa sa pinuntahan nila ang Surrey at photos nila ang ginamit ng ABS-CBN News sa pos­ting.

Ang caption ng post ang ikinagulat ng mga nakabasa dahil sa nakasulat na “Janine Gutierrez “sent postcards” from Surrey, United Kingdom with husband Jericho Rosales.”

Mabilis ang reaksyon ng fans nina Janine at Jericho at sinabayan ng non-fans ng dalawa. Siyempre, natuwa ang EchoNine fans dahil ang ikasal ang dalawa ang kanilang dasal at gusto. Mababasa ang comment na “WTF! Is this true? Kasal na sila Janine at Jericho?” “Hope and pray na totoo nga, haaay... ang saya saya na­ming mga EchoNine fans kung totoo na ‘yan.”

May nag-comment naman ng “Jericho is married to Kim Jones not Janine,” “Nadulas o nagbibiruan sila... Very possible nangyayari sa ordinaryong tao lalo pag kasama ang mga kaibigan,” at “Si Janine nag-post? Malamang totoo.”

May mga non-fans na galit yata kay Janine dahil bakit daw siya ang nag-post calling Jericho her husband? Tinawag siyang may reading comprehension problem dahil hindi naman si Janine ang nag-post at tumawag ng “husband” kay Jericho kundi ang ABS-CBN News.

May nag-akusa sa dalawa na gumigimik para sa series nilang The Loyalty Game. Mag-asawa raw kasi ang role nila sa series at subtle promo ang kanilang dalawa.

Kaya lang, mabilis ding dinelete ng ABS-CBN ang post, kaso may nakapag-screenshot na at pinost at ‘yun ang nabasa ng netizens. Ang reason ng deletion para siguro hindi na magpuksaan ang fans.

JaiCole, sumasabay sa lakas ng ibang loveteam

Nakipagsabayaan sa lakas ng sigawan ang fans nina Jairus Aquino at Nicole Omillo sa fans nina Heaven Peralejo at Marco Gallo at fans nina Bea Binene at Wilbert Ross sa mediacon ng sixth and last installment ng University Series. Kahit sabi­hing bago ang love team nila, marami na rin silang supporters.

JaiCole ang tawag sa supporters nina Jairus at Nicole at sila ang nangakong susuporta kapag nag-streaming na ang Our Yesterday’s Escape simula Sept. 5, 2026 sa Viva One.

Share ni Jairus, he waited three years for a lead role at ngayong dumating na, iingatan niya. Isa pang ipinagpapasalamat ng magka-love team, sa kanila ibinigay ang sixth and final installment of Gwy Saludes popular University Series on Wattpad.

Bianca, sasabak na rin sa podcast

Masayang ibinalita ni Bianca Umali na pinasok na rin niya ang pagpo-podcast. Sinimulan niya ang post ng “Simply, coming soon” at ang ginamit na photo ay may hawak siyang microphone.

Ang sumunod na post ay gamit ang simply.b.podcasts at may caption na “Beginning, Breakthrough, Becoming

“An intimate and deeply personal space hosted by Bianca Umali.

“Dito, walang scripts, raw, and full of substance. This is Bianca in her most authentic form.”

May request ang fans ni Bianca to guest Barbie Forteza at sigurado raw na marami silang mapag-uusapan.

So far, wala pang nagre-request na i–guest ni Bianca si Ruru Madrid, pero aminin, marami ang interesadong malaman ang mga plano nila together.

JANINE GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with