^

PM Sports

Green mananatili sa Warriors

Pang-masa

SAN FRANCISCO — Pumayag si veteran power forward Draymond Green na manatili sa Golden State Warriors at pirmahan ang isang one-year, $27.7 million deal.

Sa nasabing kontrata ay hindi kasama ang isang no-trade clause.

Nauna nang hindi ginamit ni Green ang kanyang $27.6 million player option para mabigyan ng pagkakataon ang Warriors na mabigyan ng malaking kontrata at makuha si LeBron James.

Ngunit mas pinili ng four-time champion na si James na maglaro para sa Philadelphia 76ers at makasama sina Joel Embiid, Jaylen Brown at Tyrese Maxey.

Ang 14-season run ni Green sa Golden State ang second-longest active streak para sa isang player sa isang koponan sa NBA sa ilalim ni teammate Stephen Curry na sisimulan ang kanyang ika-18 season sa Oktubre.

Noong Pebrero ay sinabi ng ilang sources na kasama ang pangalan ni Green sa trade conversations ng Warriors sa Milwaukee Bucks para kay Giannis Antetokounmpo.

“I’m a human being,” ani Green sa panayam ng ESPN noong Marso. “There was a second of me at the deadline that felt like, ‘Damn, they really going to do that to me?’ But I understand this business probably as good as any player.”

Bigo ang Golden State na mahugot si Anteto­kounmpo na nagtungo sa Miami Heat para maka­tambal si Bam Adebayo.

Samantala, pursigido ang Heat na makuha sina DeMar De Rozan ng Chicago Bulls at Klay Thompson ng Dallas Mavericks.

Ito ay matapos na ring mabigo ang Miami na mahikayat ang 41-anyos na si James na muling maglaro sa kanila.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with