^

Metro

OFW, OWWA help desk sa Manila City Hall

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Mas mabilis na tulong

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mas magiging madali nang makakuha ng tulong at serbisyo ang  mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasunod ng pagtatatag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Help Desk sa loob ng Manila City Hall.

Ayon kay Domagoso, nilagdaan niya at ni OWWA Administrator Patricia Yvonne M. Cauna ang Memorandum of Agreement kung saan nagkaloob ang OWWA ng livelihood assistance sa mga repatriated OFW na taga-Maynila sa ilalim ng Balik-Pinas! Balik-Hanapbuhay! Program.

“Palawakin ninyo ang inyong kamay at akapin natin ang lahat ng kaya nating akapin upang mas mapadali ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan at mas maraming mamamayan ang ating maabot,” ani Domagoso.

Dagdag pa ng alkalde, ang mga programang binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) para sa mga OFW ay mas magiging madaling maabot ng mga taga-Maynila dahil magsisilbing tulay ang pamahalaang lungsod upang mapabilis ang pagkuha ng mga benepisyo at serbisyong nararapat sa kanila.

OFW

OWWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with