^

Metro

Alternative data isinusulong para palawakin ang access sa financial services

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang panukalang gawing bahagi ng credit assessment ang paggamit ng alternative data mula sa digital transactions upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng access sa pautang at iba pang serbisyong pinansyal.

Sa ilalim ng House Bill No. 9149 o ang Open Finance and Consumer Data Empowerment Act of 2025, bibigyan ang mga consumer ng karapatang pahintulutan ang paglilipat ng kanilang financial at transactional data sa mga accredited lender at financial service provider para gamiting batayan sa pagsusuri ng kanilang creditworthiness.

Kabilang sa maaaring gamitin na alternative data ang records ng pagbabayad ng bills, subscription activity, rewards card usage, at iba pang digital transactions na maaaring sumaklaw sa hanggang 24 buwan. Layunin nitong matulungan ang mga Pilipinong walang credit card, bank loan, o sapat na credit history.

Ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, isa sa mga may-akda ng panukala, makatutulong ang paggamit ng digital data upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na makagamit ng financial tools at serbisyo.

Suportado rin ng Fintech Alliance Philippines ang panukala, na sinabing makatutulong ang open finance sa pagpapalawak ng financial inclusion at paglikha ng mas consumer-centered na financial system.

Itinatakda rin ng panukala ang paglikha ng Consumer Data Commission na manga­ngasiwa sa data sharing system, magtatakda ng security standards, mag-a-accredit ng mga awtorisadong entity, at magpapatupad ng mga parusa laban sa mga lalabag sa mga patakaran sa paggamit ng consumer data.

FINANCIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with