DOJ compound entrance sa Maynila, sumabog
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pagsabog malapit sa entrance ng Department of Justice (DOJ) main compound sa Padre Faura St., sa Maynila nitong alas-12:17 ng madaling araw ng Lunes.
“There are no reported casualties, and the Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal (PNP-EOD) Unit was immediately notified and responded to conduct a technical examination,” ayon sa opisyal na pahayag ng DOJ.
Agad na ipinaalam sa Explosive Ordnance Disposal ng Manila Police District para sa technical investigation.
Kabilang sa sinusuri ang ilang closed-circuit television (CCTV) footage mula sa lugar para matukoy kung sino ang responsable, at matunton ang pinagmulan at motibo.
Tiniyak din ng DOJ na kontrolado ang sitwasyon at nananatiling ligtas ang compound ng DOJ.
Sinabi ng DOJ na mananatili itong nakatuon sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng mga tauhan nito at ng publiko, habang sinusuportahan ang isang komprehensibo at walang kinikilingang imbestigasyon.
- Latest

















