Quezon City LGU: Culiat Bridge, bukas na
MANILA, Philippines — Inihayag ng Quezon City government na maaari na ulit madaanan simula ngayong araw ang Culiat Bridge II sa Congressional Avenue sa QC matapos na isagawa ang load test at inspeksyon ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon ng madaling araw.
Ayon sa QC LGU bukas na para lamang sa light vehicles ang Eastbound at Westbound lane ng Culiat Bridge II na dalawang linggo ring naisara sa mga motorista makaraang maapektuhan nang nagdaang sunog sa lugar noong Hulyo 11.
Samantala pinasinayaan ni QC Mayor Joy Belmonte ang 12,000 square meters na bagong pasyalan at malawak na multi –purpose Open Field sa Quezon Memorial Circle (QMC) para magamit ng QCitizens sa kanilang aktibidad tulad ng sports, recreation, tambayan, at iba-ibang community activities.
Ang Open Field ay mayroong walk path na may mga lamp posts, scenic view ng Pylon, pond, at amphitheater sa gitna nito. Dito ilalagay ang isang retention pond at detention tank bilang sagot sa pagbabaha sa lugar. Ang makokolektang tubig dito ay magagamit para sa iba pang proyekto.
- Latest






















