^

Probinsiya

Lolong maingay, utas sa pukpok ng bato ng SK kagawad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lolong maingay, utas sa pukpok ng bato ng SK kagawad
Screengrab from Google Maps shows the province of Negros Occidental.
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang isang 64-anyos na lolo makaraan itong pukpukin ng malaking tipak ng bato sa ulo ng nakaalitang 22-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) Councilor na kamag-anak nito dahil sa pag-iingay ng biktima sa Brgy. Ilaya, Calatrava, Negros Occidental kama­kailan.

Kinilala ang nasawi sa alyas “Lolo Rudy”, habang ang SK Councilor na si alyas “Mike” ay naaresto matapos ang krimen.

Sa report ng Negros Occidental Police, nangyari ang insidente sa Brgy. Ilaya, Calatrava ng nasabing lalawigan.

Ayon sa imbestigas­yon, nag-inuman sina Lolo Rudy at mga kapitbahay kung saan nakitagay rin ang nasabing SK kagawad.

Ilang saglit pa ay nagpaalam ang suspect na uuwi na sa kanilang tahanan pero dahil sa sobrang kalasingan ay sinundan siya ng matanda at nag-iingay.

Sinaway naman ang matanda ng kaanak na suspect at pinagsabihang huwag mag-ingay­ dahilan magigising umano ang kaniyang lola. Gayunman, hindi nagpaawat ang lolo at pinagbabato pa ang bahay ng SK kagawad kaya napilitan namang lumabas ang huli para pauwiin na ang una Imbes na tumalima, nagalit pa ang lolo kaya nauwi sa suntukan ng dalawa.

Sa matinding pagkainis, dumampot ng malaking bato ang SK kagawad at pinukpok sa ulo ang biktima na siya nitong ikinasawi.

RUDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with