Kris, may sinu-shoot na ulit!

Nagdala ng excitement sa fans at nagmamahal kay Kris Aquino ang Instagram (IG) Story post ng makeup artist na si RB Chanco.
Makikita sa photo ang mga cameraman, mga ilaw at boom microphone. Makikita rin na sa sala ng isang bahay ang setup, hindi nakita si Kris sa IG story, pero siya ang tinukoy sa post.
Ang nakasulat sa text overlay ni RB ay “The Real Queen we’ve all been waiting for. Coming soon.” May parang letter “K” na kasunod sa text at pink heart emojis.
Hindi nabanggit kung taping ba o TVC shoot ang pinost ni RB, abangan na lang siguro natin. May nag-akala na baka ito na ‘yung taping ng vlog ni Kris na nabanggit niya kamakailan, at sisimulan sa March. Hindi lang nasunod ang target month.
May nag-akala naman na baka TVC shoot ito na kung totoo, ang pagbabalik ni Kris sa endorsement era. Anumang project ang ginawa niya, nangako ng suporta ang kanyang fans.
Joshua, sinakyan ng DDS!
Nagkakainitan na naman ang Kapamilya at Kapuso fans and this time, si Joshua Garcia ang dahilan.
Nang unang magpuksaan tungkol sa pulitika ang dalawang kampo ng fans, dahil ‘yun kay Shuvee Etrata.
Hindi lang bashing ang ibinato kay Shuvee nang madiskubre na DDS o Die-hard Duterte Supporter siya, pinuksa siya ng netizens na nagalit sa kanya. Ipina-cancel at ipina-boycott at gustong mawalan ng career. Mabuti na lang at hindi binitawan ng GMA, ng fans at produkto na ini-endorse niya. Maganda pa rin ang takbo ng career at may mga project pa rin si Shuvee gaya ng The Master Cutter at Code Gray.
Nangyayari ngayon kay Joshua ang nangyari kay Shuvee noon, dahil sa post ng isang fan ni Joshua na ang sabi, “A change of heart? Joshua Garcia unfollows Sara Duterte and APC. Everybody deserves a second chance.”
Sa last line na “Everybody deserves a second chance” nagka-isyu. Noong si Shuvee raw ang nagka-isyu, kontra ang Kapamilya fans na bigyan ng second chance si Shuvee. Ipinilit nila na deserved nitong i-cancel at i-boycott.
Comment ng Kapuso fans. Bakit kay Joshua nanawagan sila na bigyan ito ng second chance? Pero that nung time na si Shuvee ang nagka-isyu sa pagiging DDS, gusto nilang tuluyan itong mawalan ng career? Bawal magkaroon ng character development si Shuvee, pero si Joshua puwedeng-puwede?
Ayun, kasalukuyan pa ring nagpupuksaan online ang dalawang kampo ng fans at tingnan natin kung saan aabot.
Samantala, kinampihan ni Harry Roque si Joshua sa kanyang post. “Kakampinks, huwag na kayong ma-i-stress kay Joshua Garcia. In an industry where showing support to Inday Sara Duterte could invite cancellation, Joshua refuses to hide his political convictions. Daghang salamat, Joshua, for choosing integrity over manufactured image. Such conviction as yours is rare and such courage as yours too deserves respect.”
Kung may mga natuwa sa post na ito ni Harry Roque, may mga nagalit at nadagdagan pa ang hate comments at bashing sa actor.
Lance, may alam sa mga gumagamit sa pagkamatay ni Rene
Sino kaya ang tinutukoy ng Viva actor na si Lance Carr na mga tao na nagpapakalat ng fake news tungkol sa pumanaw na basketbolistang si Rene Clert Baterbonia.
Sa interview ni MJ Marfori sa isa sa cast ng Viva Films na horror movie na Rosario, nagpahayag ng disappointment si Larr. “Ang daming fake news, ang daming tao na pinagkakakitaan ‘yung death niya which is very outrageous... Very inhumane for me. Just let the person rest,” pahayag ni Lance.
Naging schoolmate ni Lance si Rene sa Ateneo de Davao, kaya kilala niya ito. Marami ang nag-agree sa kanya na marami ang ginamit si Rene para kumita. May nag-comment nga na may Peanut Butter Bonia pala na ginamit ang apelyido ni Rene. May comment ang nakabili nito, hindi namin isinulat at baka mademanda kami.
Anyway, kabilang si Lance sa cast ng Rosario na showing na sa Aug. 5, sa direction ni Roni S. Benaid. Kasama rin si Aubrey Caraan na ka-love team niya. Parehong first movie nila ito, kaya sila ay na-challenge. Si Rose Van Ginkel ang lead actress sa nabanggit na pelikula.
Also in the cast are Jairus Aquino, Meg Imperial, Bernadette Allyson at Suzette Ranillo. Tungkol sa pamahiin kapag may namamatay ang pelikula.
- Latest



















