^

Metro

‘Hindi kalaban ang mga pulis’ – PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Hindi kalaban ang mga pulis’ – PNP
Youth organizations and Sangguniang Kabataan leaders march along Katipunan Avenue in Quezon City for the National Youth SONA Action Day on July 22, 2026.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

Sa SONA protesters

MANILA, Philippines — “Huwag ituring na mga kalaban ang mga pulis.”

Ito naman ang apela ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga magsasagawa ng kilos protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay Nartatez,  bagama’t iginagalang ng pulisya ang karapatan ng mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin at hinaing laban sa pamahalaan dapat din aniyang igalang ng mga demons­trador ang mandato ng mga pulis na tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng mga pagtitipon.

Iniutos ni Nartatez sa lahat ng police commanders na mahigpit na ipatupad ang maximum tolerance at iwasan ang anumang komprontas­yon sa mga raliyista. Dapat din aniyang tiya­kin ang wastong dep­loyment ng mga tauhan at kagamitan upang mapanatiling ligtas at maayos ang mga aktibidad.

Hinikayat din ng PNP chief ang mga organizer ng rally na kumuha ng kinakailangang permit mula sa mga lokal na pamahalaan.

Samantala, sinabi ni Anti-Cybercrime Group Director MGen. Wilson Asueta na wala pa silang namo-monitor na cyber security threat kaugnay ng SONA, ngunit patuloy na pinalalakas ng ACG ang cyber patrol sa social media upang maagapan ang pagkalat ng disinformation at iba pang online activities na maaaring magdulot ng kaguluhan.

PNP

PROTESTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with