^

PSN Showbiz

RabGel , nangangabog!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
RabGel , nangangabog!
Angela Muji

VIRAL na viral at todo-iyakan ang netizens matapos ihatid ng RabGel love team na sina Rabin Angeles at Angela Muji ang isang “sobrang sakit” na confrontation scene sa Episode 6 ng hit Viva One series na Dating Alys Perez!

Hindi na raw kilig ang dinala ng magkaparehang Alys at Drake kundi pawang luha at sakit.

Sumabog ang emosyon ng dalawa sa eksenang agad nag-trending online, habang lalo ring umiinit ang Team DraLys vs. Team TripLys debate sa pagpasok ni Zeke Polina bilang Tripp, na patuloy ring nakakatanggap ng papuri mula sa viewers dahil sa kanyang chemistry kay Angela Muji.

“Kakadurog ng puso naman ’to! San ba nila ’to hinuhugot?

“Sobrang sakit naman!” — ilan lang ito sa mga reaksyon ng fans.

May ilan pa ngang nag-post ng sarili nilang pag-iyak habang nanonood, na agad ding nag-viral sa social media.

Hindi rin napigilan ni Direk Crisanto Aquino (@SirC07) ang ibahagi ang kanyang paghanga sa dalawang bida. “Whatever you see on screen is purely their skills, their understanding of the situation and the character.”

Dagdag pa niya: “What you saw there is purely their talents and skills as actors.”

At ang pinakatinatak ng fans: “I will be proud of my RabGel. Always.”

At hindi lang mga Pinoy ang emosyonal sa Episode 6. Dumagsa rin ang papuri mula sa international viewers, kabilang ang fans mula sa Malaysia, Latin America, at iba pang bansa.

May Malay fan na nagsabing, “berlakon menangis pun boleh buat kitorang trauma,” habang isang Spanish-speaking fan naman ang nag-comment ng, “dale una oportunidad por favor,” o “bigyan mo pa ng pagkakataon.”

Samantala, marami ring English-speaking viewers ang humanga sa performance ni Angela, kabilang ang nagsabing, “What an incredible actress she is becoming!”

Tuloy ang init ng Dating Alys Perez kung saan patuloy na lumalakas ang online buzz ng RabGel, na bukod sa lumalaking fandom ay sunud-sunod din ang brand endorsements at collaborations. Kasabay nito, dumarami rin ang mga sumusuporta sa TripLys, dahilan para lalong maging usap-usapan ang love triangle ng serye.

Matapos ang tagumpay ng Sedu­cing Drake Palma, muling pinatunayan nina Rabin at Angela ang kanilang chemistry sa Dating Alys Perez, habang nagdadala naman si Zeke Polina ng panibagong kilig at tensyon bilang Tripp.

Abangan ang bagong episodes ng Dating Alys Perez tuwing Biyernes, streaming exclusively on Viva One.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with