Kawatan dumaan sa bubong, nasukol

Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 30-anyos na nagnakaw sa isang motorcycle accessories shop dahil sa malinaw na kuha ng closed-circuit television (CCTV) ng pagpasok at paglabas sa bubong, sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police Station (PCPS), alas-8:30 ng umaga ng Hulyo 20, 2026 nang maaresto ang suspek nang matunton sa pamamagitan ng CCTV backtracking at ­mabawi ang mga nakaw na smartphones, tablet, at ilang premium motorcycle helmet intercom at mesh communication systems.

Nang madiskubre ng empleyado ng shop, agad ini-report sa pulisya na nagsagawa ng imbestigasyon at pagtunton sa kinaroroonan ng suspek.

Nasa kabuuang P152,742.00 ang halaga nang lahat ng mga nakaw na narekober ng pulisya.

Sinampahan ng rek­lamong robbery ang suspek sa Pasig City Prosecutor’s Office.

 

Show comments