^

PM Sports

Phoenix iiwas mamantsahan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patataasin pa ng unbeaten na Phoenix ang lipad nito sa era kontra sa Rain or Shine upang mapatatag ang kapit sa liderato ng Group B sa PBA Season 50 Go­vernors’ Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Anitpolo City.

Magku-krus ang landas ng Fuel Masters at Elasto Painters sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Blackwater (2-0) at Meralco (1-1) sa alas-5:15 ng hapon.

Katulad ng Blackwater, wala pang galos ang Phoenix sa 3-0 kartada bilang isa sa sorpresang koponan ngayon sa 13-team Govs’ Cup habang taliwas naman ang top contender na RoS sa 0-2 kartada.

Subalit ayaw pa-kampante ng mga tropa ni coach Charles Tiu na asinta ang playoffs sa kanyang unang conference.

“We’re happy we’re racking up wins. We hope to be able to sustain the run and hopefully we can sneak into the playoffs,” aniya.

Impresibo ang naging simula ng Phoenix matapos dagitin ang 3 conten­ders na Magnolia, 98-86, Meralco, 98-97, at Commissioner’s Cup champion Barangay Ginebra, 81-78.

Bandera sa mga natu­rang panalo ang import na si BJ Johnson na aasa uli sa solidong ayuda nina Ricci Rivero, Jason Perkins, Kai Ballungay at Ken Tuffin.

Unang panalo naman ang hangarin ng mga bataan ni coach Yeng Guiao na sablay ang simula matapos ang limang sunod na semifinal appearances.

Sa kabila ng dominasyon ng import na si Aaron Fuller, taob ang Elasto Painters sa Blackwater, 131-108, at sa Meralco, 122-114.

Aatasan ngayon ni Guiao sina Adrian Nocum, Andrei Caracut, Caelan Tiongson, Jhonard Clarito at Anton Asistio na matulungan si Fuller para makapasok na sila sa winning column. 

PHOENIX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with