^

Metro

Ika-6 na suspek sa Marine Biologist kilala na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na ang suspek na natukoy ng Philippine National Police (PNP) na umano’y sangkot sa pagpatay sa Amerikanong Marine Biologist na si Dr. Kent Carpenter sa Sibulan, Negros ­Oriental.

Sinabi ni PNP Public Information Office na si P/Colonel Allen Rae Co na ang pang-anim ay ang kapatid ng panlimang suspek na si alyas “Eden,” na kapwa at-large.

Patuloy pa rin, aniya ang isinasagawang imbestigasyon para alamin ang naging partisipasyon ng bagong natukoy na suspek, at kung may iba pang mga indibidwal na sangkot.

Nakapiit na ang apat habang ang magkapatid ay nakatakdang sampahan ng reklamo sa piskalya, kahit hindi pa nadarakip. Pagnanakaw pa rin ang nakikitang pangunahing motibo sa pamamaslang kay Carpenter.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang resulta ng ginawang pagsusuri ng PNP Crime Laboratory sa sample kaugnay sa sinasabing panggagahasa sa live-in partner ni Carpenter.

CRIME

MARINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with