Jericho at Janine, umeksena sa Binibini

Maingay sina Jericho Rosales and Janine Gutierrez sa ginanap na Binibining Pilipinas coronation night sa Araneta Coliseum noong isang gabi.
Si Jericho ang nangharana sa mga kandidata habang si Janine ay isa sa mga hurado.
At kahit ‘di naman sila nagdikit, maraming kinilig sa magkarelasyon na habang kinakantahan ng actor sa mga contestant ay titig na titig si Janine.
Anyway, dalawang bagong reyna ang kinoronahan ng Binibining Pilipinas – sina Gwendoline Meliz Soriano (Binibining Pilipinas International) mula sa Baguio City at Sasha-Juli Belle Lacuna (Binibining Pilipinas Globe) mula sa Tarlac.
Siya na ang representative ng Baguio sa 2025 Miss Universe Philippines, kung saan siya natapos sa Top 12.
Si Miss Globe naman pala ay sumali na rin sa 2025 Miss Universe Philippines at nagtapos siya last year sa Top 24.
- Latest
























