^

PSN Showbiz

Yassi, luhaan nang ipagmalaking ikakasal na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Yassi, luhaan nang ipagmalaking ikakasal na!
Yassi Pressman at Cong. Luigi ­Villafuerte.
STAR/ File

Nakaka-good vibes ang ipinost ng magkasintahang Yassi Pressman at Cong. Luigi ­Villafuerte kamakalawa lang.

Naka-post sa kanilang social media account ang mga kuha nila sa isang outing sa isang malaking lupain.

Posibleng nasa lugar nina Cong. Luigi sa Camarines Sur na kung saan doon napapadalas si Yassi.

Ang caption sa kanilang post ay “Our greatest adventure” at may emoji ng eternity.

Doon nag-propose ang pulitiko sa aktres.

Maluha-luha pa si Yassi na ipinakita ang suot na malaking diamond ring.

Sa pagkakaalam namin ay mahigit tatlong taon na rin silang magkasintahan at suportado ni Yassi ang political career ni Cong. Luigi. Pati ang showbiz career ni Yassi ay nakikita na ring todo ang suporta ng nobyo.

Si Yassi ang producer ng isang game show na pinamagatang Tubig To Handle na kung saan kasama rin niya roon si Marco Gumabao na tumakbo ring Congressman sa Camsur, pero hindi nga lang pinalad nung nakaraang eleksyon.

Doon din sa Camsur nag-shoot si Yassi ng pelikulang Little Hope ng Lonewolf Productions na sinulat at dinirek ni Benedict Mique – namataan nga namin si Direk Benedict sa kick-off ng Metro Manila Film Festival 2026 na kung saan in-announce ang apat na script na pasok sa filmfest. Posibleng itong Little Hope ang isinumite nila. Pero hindi nga lang napili ang kanilang script.

Pero tingnan natin sa finished films kung maipapasok itong Little Hope ni Yassi Pressman.

Si Yassi ay bahagi rin sa seryeng The Loyalty Game nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez.

Maganda at nakakaintriga ang role niya roon na talagang sinusubaybayan namin dahil maganda ang takbo ng kuwento at magagaling silang lahat sa seryeng ito.

Jhong, pinagbibigyan lang si Sarina

Nagulat kami sa rami ng taong dumalo at nanood sa birthday concert ng tinaguriang Little CEO na si Kryzl Jorge na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura sa Taguig nung nakaraang Sabado.

Pinamagatang Xtraordinary Kryzl: Born To Shine 10th Birthday Concert doon inilunsad ang 10 original songs ni Kryzl na talagang kinarir niya ang pagkanta at pagsayaw.

Special guests niya ang mag-amang Jhong at Baby Sarina Hilario, Josh Ford, Kira Ballinger, Queenay Mercado, at nag-host sa pre-show si Dianne Medina.

Na-late ng dating si Kiray Celis na medyo maingat sa mga kilos niya dahil sa kanyang kalagayan. Sa pagkakaalam namin ay four months na ang kanyang pagbubuntis, kaya talagang inaalalayan ito ng kanyang asawang si Stephan Estopia.

Nung una nga nasabihan kaming hindi na raw siya makakarating, pero pinilit talaga ni Kiray dahil close ito sa magkakapatid na Jorge na siyang nagpapalakad ng kanilang Purple Hearts Foundation.

Nakatsikahan namin ang mag-amang Jhong at Sarina bago sila mag-perform.

Sabi ni Jhong, talagang close friends daw sina Sarina at Kryzl kaya hindi raw nila puwedeng tanggihan ang request ng Little CEO. “Minsan pumupunta si Kryzl kapag may gift-giving si Sarina,” pakli ni Jhong.

“Kaya talagang ‘yung hindi talaga namin mahindian si Kryzl kasi sobrang ano siya, sobrang talagang hindi sila nagmimintis kapag nag-request kami for like gift-giving. And sobrang close sila. Kasi minsan ‘pag may mga performance, nagkukuwentuhan silang dalawa,” dagdag niyang pahayag.

Masaya si Jhong sa pag-alalay sa kanyang anak, dahil gusto raw talaga nitong sumayaw at kumanta.

Umiiling si Sarina nang tinanong namin kung gusto rin nitong umarte.

Sabi ni Jhong, gusto lang talaga ng anak niyang mag-sing and dance. Na pati si Jhong ay napapag-perform na rin para sa anak. “Okay lang din naman, kasi si Sari talaga mas komportable siya kapag kasama niya akong nagpe-perform,” tugon nito.

“Siguro na-inspire siya dahil nakikita niya ako na nagpe-perform sa stage, sa TV. So parang bonus na lang na talagang gusto niya akong gayahin, gusto ring maging performer.

“Of course with the help of Maia, ang Mom ni Sarina, talagang natutukan niya rin,” sabi pa ni Jhong.

Pinagbibigyan lang daw nila ni Maia ang hilig ng kanilang anak.

SHOWBIZ GANERN... MULA SA PAHINA 6

Pero gusto raw nilang i-enjoy pa rin ni Sarina ang kanyang pagkabata, at five years old pa lang kasi siya. Ayaw raw nilang parang trabaho na ito ng bagets. “Of course, ayun ‘yung ayoko e,” bulalas ni Jhong.

“Kasi narinig ko lahat, kina Niño Muhlach, kila Aiza Seguerra na ‘yung mga child star na ‘yung childhood nila nawala. ‘Yun ang ayoko… ‘yung mangyari kay Sarina. Kasi, gusto ko wala siyang pagsisihan ‘pag lumaki siya. Gusto ko, sabihin niya na ‘sobrang na-enjoy ko ‘yung pagkabata,” sabi pa ni Jhong Hilario.

Kagaya ni Kryzl, pinagbibigyan din ng pamilya niya ang hilig nitong kumanta at magsayaw.

Kaya nagpapasalamat si Kryzl sa suporta ng kanyang pamilya at ng buong Purple Hearts team.

“This is my very first concert, and it is my wish to be here. I worked really hard since ‘ber’ months. Because I have my rehearsals starting May,” sabi pa niya.

YASSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with