^

Police Metro

Babae na dumalaw sa puntod, pinaslang

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang wala nang buhay ang isang hindi pa nakikilalang babae sa loob ng San Isidro Public Cemetery sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat, nadiskubre ang bangkay biktima dakong alas-4:50 ng hapon ng isang kapwa bumisita sa sementeryo na nakitang nakabulagta sa lupa at duguan ang ulo.

Inilarawan ng Rodriguez Municipal Police Station na nasa 45 hanggang 50 taong gulang ang biktima, may taas na humigit-kumulang 5 talampakan at 1 pulgada, maliit ang pangangatawan, naka­suot ng kulay rosas na T-shirt, maong na pantalon, at kayumangging sandalyas.

Pinaniniwalaan ng pulisya na dumalaw lamang sa sementeryo ang biktima bago ang insidente at isa sa mga sinusuring anggulo ng pulisya ay kung may foul play sa pagkamatay habang tinutukoy pa ang kanyang pagkakakilanlan at ang posibleng motibo sa krimen.

Nangangalap ang pulisya ng mga CCTV camera sa paligid at mga posibleng testigo na makatutulong upang matukoy ang suspek.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with