Mariel, nilaglag sina Angel at Anne

Nag-unfollow na si Mariel Rodriguez kina Angel Locsin at Anne Curtis sa Instagram (IG).
Ito ang napansin ng netizens kahapon matapos maglabas ng saloobin si Darna (Angel Locsin) laban kay Sen. Robin Padilla na sinuportahan ng mga host ng It’s Showtime.
Tumalak nga si Angel sa kanyang IG page matapos ang mahaba-habang pananahimik at ipinaalala sa kanyang ‘kuya’ na dapat ang kanyang katapatan ay sa sambayanang Pilipino at hindi sa iisang tao lang.
Kung saan kabilang si Anne sa mga nag-welcome kay Angel sa kanyang pagbuhay sa social media career niya.
Sa kasalukuyan ay diumano’y nagda-damage control na rin ang kampo ni Sen. Padilla na nagbigay ng statement sa pinag-uusapang paggamit ng Artificial Intelligence o AI-generated tsonggo na nakabarong na naglalarawan sa mga Pinoy sa isang state-owned media company ng China.
- Latest



















