^

Metro

Mga respondent sa obstruction of justice case itinangging tumanggap ng ‘payoff’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaso ng missing sabungeros Mariing itinanggi nina Cristy Ladao at Jocelyn Dela Cruz, mga respon­dent sa kasong obstruction of justice kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero, ang alegasyong tumanggap sila ng pera mula sa kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang kapalit ng pag-atras sa kaso.

Sa kanilang counter-affidavit na inihain sa Department of Justice (DOJ) nitong Hulyo 17, sinabi ng dalawa na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanila. Sa halip, iginiit nilang may ilang nagreklamo umano ang nagtangkang humingi ng malaking halaga kapalit ng pag-areglo sa kaso.

Ayon kina Ladao at Dela Cruz, sila mismo ang lumapit kay Atty. Caroline Cruz, abogado ni Ang, upang humingi ng gabay at suporta. Itinanggi rin nila na ang tulong pinansyal na naibigay sa ilang pamilya ay isang “payoff,” at iginiit na ito ay boluntaryong tulong mula kay Atty. Cruz para sa kanilang gastusin. Sinabi ni Ladao na walang sinuman ang inutusang umatras sa kaso at nananatili ang kanilang hangaring makamit ang hustisya.

Samantala, patuloy na itinatanggi ng kampo ni Ang ang anumang alok o pagbabayad kapalit ng pag-atras ng reklamo.

LADAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with