Anne, may pa-welcome kay Angel

As of yesterday afternoon, may 5, 821 comments na sa post ni Angel Locsin na pagko-call out niya kay Senator Robin Padilla tungkol sa pahayag ni Robin na komunista siya.
May mga celebrity ring nag-comment sa post na ‘yun ni Angel at pinuri sila ng netizens.
Sabi ni Anne Curtis, “Welcome back mars, ay Darna pala,” na sinundan ni Arnold Clavio ng “Maraming salamat.” May comment din ng emojis sina Bea Binene, Enchong Dee at Benjamin Alves.
Nag-like naman sa comment ni Angel sina Pokwang, Piolo Pascual, Jerald Napoles, Shaira Diaz at Irma Adlawan. Lahat nang nag-comment at nag-like sa post ni Angel ay bina-bash kasama siyempre si Angel.
Ang asawa ni Angel na si Neil Arce ay kasamang naba-bash dahil sa comment niyang “Lika na narda hanapin natin yung bato” na witty sa iba. May mga DDS (Diehard Duterte Supporters) na na-trigger sa comment na ito ni Neil at pati si President Bongbong Marcos, isinama sa isyu.
May mga nakakatuwa ring comment ni Neil gaya ng wala na raw ang bato, pinatakas ni Robin at nagtatago na ang tinukoy ay si Senator Bato dela Rosa. May nagalit kay Neil, “Mas marami naman ambag si Sen. Bato para sa bayan kesa naman sayo. Ipinagmamalaki mong taxpayer ka” at may pinuntirya si Angel sa comment na “laos na yung Darna mo.”
Hindi na sila sinagot nina Angel at Neil at obvious na handa ang dalawa sa feedback ng mga DDS, lalo na ang bashing. Walang dine-delete si Angel sa mga comment, kahit ‘yung sinabihan siyang laos at dabiana.
Gong Yoo, pinag-iipunan
May petsa na ang pagdating sa bansa ng South Koren actor na si Gong Yoo at hindi na naman magkamayaw sa excitement ang fans.
Sa Nov. 21, 2026 ang dating nito sa bansa para sa kanyang The Long Take, Asia fan meeting, pero wala pang venue. Hindi pa rin nire-release ang ticket prices.
Matagal pa ang November, makakapag-ipon pa ang fans ni Gong Yoo sa tiket na siguradong mahal.
Worth it naman, lalo na sa fans ni Gong Yoo sakaling mahal ang tiket dahil makikita siya nang personal, makakapagpa-picture at baka ang iba, makakuha ng autograph nito. Matagal hinintay ng fans ni Gong Yoo ang pagdating niya sa bansa.
Pinasalamatan!
Sabi na nga at hindi palalampasin ng fans ni Senator Robin Padilla ang comment ni Anne Curtis na “Welcome back mars, ay Darna pala” sa pagko-call out ni Angel Locsin sa senador.
May nag-comment ng “crocs,” “crocodile tears,” “the Island Crocodile,” “TIMAWA talaga Indan Anne,” “takot mabash playing safe,” “so kung babahain kau? Wala Lang?”
Hindi namin ma-gets kung bakit may mga comment patungkol sa crocodile. Ano ba ang ibig sabihin ng pagkokonek kay Anne sa crocodile?
Anyway, gaya ni Angel, parang handa na si Anne ma-bash at heto nga, nagko-comment ng paghanga kay Angel kahit alam na maba-bash siya.
Speaking of Anne, kabilang siya sa pinasalamatan ni Kara David dahil sa comment na “Kudos to mam @karadavid and the @IWitnessGMA team for exposing this. Nakakalungkot. Hopefully one day the government seeks a way to introduce waste to energy solutions in the country. But also educate the people on proper waste management.”
Ang post ni Anne ay patungkol sa episode ng I-Witness na ipinakitang tinambakan ng basura ng Subic ang ancestral land ng mga Aetas. Sa update ng GMA News, sinimulan na ang paglilinis sa dumpsite, inalis na ang nakatambak na basura na sabi ng isang Aeta, hindi nila alam kung bakit sa lugar nila itinambak ang mga basura.
Sabi ni Kara, “Salamat po sa mga nangalampag. Nagsisimula na ang paglilinis. Sana tuluy-tuloy na.”
Kabilang nga si Anne sa nangalampag, ni-repost sa X ang report ng I-Witness at pinasalamatan siya ng netizens.
- Latest



















