Filing of candidacy sa Cavite 4th District special election nagsimula na
MANILA, Philippines — Nagsimula na kahapon ang pagtanggap ng Commission on Elections (Comelec) ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga nais tumakbo bilang kinatawan ng Cavite 4th District sa isasagawang special election.
Kasunod ito nang pagpapatalsik kay dating Rep. Kiko Barzaga sa Kamara de Representantes noong Hunyo at unang naghain ng COC kahapon si dating Dasmariñas Vice Mayor Rex Mangubat.
Tatlo ang kumpirmadong magtutunggali sa nasabing posisyon at ito ay ang kasalukuyang alkalde ng Dasmariñas City na si Mayor Jennifer Austria Barzaga; at dating city councilor Jesse Frani.
Ayon kay Atty. Mico Castro, Provincial Election Supervisor, hindi magbibitiw sa pwesto si Mayor Jenny Barzaga kahit maghain ito ng kandidatura ngayong Special Election.
Ang mga kasalukuyang halal na opisyal tulad ng alkalde ay hindi itinuturing na nagbitiw kapag tumakbo sa ibang posisyon, kaya maari itong mangampanya habang nananatili sa pwesto.
Magtatapos ang paghahain ng kandidatura sa Hulyo 17, habang nakatakda namang idaos ang special election sa Agosto 29.
- Latest




















