School principal, inaresto sa pagpatay sa gurong buntis
MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang isang school principal na suspek sa pagpatay umano sa isang buntis na guro sa Lagangilang, Abra, nitong Martes.
Sa ulat, isinilbi ng mga operatiba ng Abra Provincial Police Office ang warrant of arrest na inisyu ng korte sa bahay ng school principal.
Ang principal ay nahaharap sa kasong pagpatay nang barilin nito ang biktimang si Maria Elaine B. Valencia noong Mayo.Si Valencia, ay public school teacher na buntis ng panahon na iyon ng barilin.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na ang suspek ay karelasyon umano ang 14-anyos dalagita ng biktima na labis na tinututulan ng pamilya. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.
- Latest



















