^

PSN Showbiz

Jennylyn, natupad ang pangarap kay Dingdong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn, natupad ang pangarap kay Dingdong
Jennylyn, Sienna at Dingdong
STAR / File

Mapapanood na si Jennylyn Mercado sa The Master Cutter na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Huling nagkatrabaho sina Jennylyn at Dingdong sa Descendants of the Sun noong 2020. “’Yung unang mga eksena namin very light. Magaan lang tapos may konting comedy. Kaya naalala namin ‘yung mga pagkakataon na magkasama kami sa Descendants of the Sun. Super, duper special role. Napakahalaga ng role ni Jennylyn Mercado dito sa The Master Cutter. Clue? May kinalaman siya sa buhay ni Ibyang (karakter ni Sienna Stevens),” nakangiting pahayag ni Dingdong sa 24 Oras.

Para sa aktor ay talagang kapupulutan ng aral ng mga manonood ang kanilang serye. “Noong binubuo ito mula umpisa hanggang ngayon, isa talaga ang nasa puso at isip namin. Bukod sa magbigay-aliw gabi-gabi, siyempre makapag-iwan din ng values sa manonood lalo na sa pamilyang Pilipino,” giit niya.

Masayang-masaya naman si Jennylyn dahil muling nabigyan ng pagkakataon na makasama sa isang serye si Dingdong. Ilang taon na raw pinapangarap ng aktres na muling makatrabaho ang Kapuso Primetime King. “Sabi ko, kailan ko ulit makakatrabaho si Dong pagkatapos no’n, ‘di ba? Ang huli namin Descendants of the Sun pa. Ano ba ‘yung chance na pwede ko ulit siya makasama. So ito na ‘yon. Kaya masayang-masaya ako na na-guest ako sa Master Cutter,” paglalahad ni Jennylyn.

Ayon sa aktres ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang kanyang karakter bilang si Olga sa naturang GMA Prime series.

Mika, tawang-tawa kay Barbie

Dumalo si Mika Salamanca sa isang outreach program sa Maynila kamakailan. Namigay ang aktres sa mga bata ng librong Lipad na siya mismo ang nagsulat. “Sobrang special siya sa akin. Tulad ng lagi kong sinasabi ‘pag nagbu-book reading ako, madala nila ‘yung kwento ni Mahika. Hindi lang ngayon pero pagtanda nila, madala nila sa puso nila,” bungad ni Mika.

Samantala, nagbigay ng reaksyon ang dalaga tungkol sa naunang pahayag ni Will Ashley. Matatandaang nabanggit ng aktor na gusto niyang makatrabahong muli si Mika. Naging magkaibigan ang dalawa dahil parehong housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition noong isang taon. Nagkatrabaho na rin sina Mika at Will sa seryeng The Secrets of Hotel 88. “Isa si Will sa pinaka-hinahangaan ko sa pag-arte even before pa PBB. So, working with him would be really exciting,” pahayag ng aktres.

Kabilang din si Mika sa pelikulang Saving Cherry na mapapanood sa mga sinehan simula Sept. 2. Ayon sa aktres ay isang masayang karanasan na makatrabaho ang bida ng proyekto na si Barbie Forteza. “Sobrang saya. Actually, ang dami ko pong natutunan kay Ate Barbie. Lalo na ‘yung work ethic niya talaga, nakaka-inspire. Nakakatawa si Ate Barbie. Ang dami naming take na parang pinipigilan talaga naming matawa sa isa’t isa,” kwento pa ng dalaga. (Reports from JCC)

JENNYLYN MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with