Malacañang, dedma sa panawagan ni Trump
MANILA, Philippines — Mistulang hindi pinansin ng Palasyo ng Malacañang ang balak ni US President Donald Trump na magsagawa ng malawakang kampanya para hikayatin ang ibang bansa na kumalas na sa International Criminal Court (ICC).
Ito ay dahil sa napagbabantaan na umano ng ICC ang soberenya ng Amerika.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi sakop ng Amerika ang mga polisiya ng Pilipinas na kung saan taong 2019 ay kumalas na ang bansa sa ICC.
Bagama’t hindi na miyembro ang Pilipinas sa ICC, ipinagpatuloy pa rin nito ang pag-iimbestiga sa crimes against humanity na isinampa ni dating Senador Antonio Trillanes IV laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 dahil sa kasong crimes against humanity bunsod ng ma?ugong anti drug war campaign.
Si Duterte ay nakakulong ngayon sa The Hague, Netherlands habang nililitis ang kaso.
- Latest
















