Epy, 30 years ang pinalipas bago nagtapos

Wala talagang limitasyon ang edukasyon hangga’t determinado ka sa `yong bokasyon.
Ang isang actor na proud sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo kamakailan lamang ay ang veteran actor na si Jeffrey ‘Epy’ Quizon, isa sa 18 anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy (sa magkakaibang ina).
Si Epy ay full-blood brother nina Eric, Ronnie at Donna Quizon sa iisang ina, ang dating actress na si Pamela Ponti (Baby Smith).
Dapat ay nagtapos na si Epy sa kanyang pag-aaral nun 1996 at kulang na lamang siya ng thesis, pero hindi niya ito ginawa dahil naging busy na siya sa kanyang showbiz career. Pero pagkalipas ng 30 years ay muling binalikan ng actor ang kanyang pag-aral hanggag sa ito’y grumadweyt sa wakas.
Pangarap ng kanilang namayapang ama na silang magkakapatid ay makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Kahit nasa kabilang-buhay na si Dolphy, tiyak na masaya ito sa pagtatapos sa pag-aaral ng kanyang spitting-image son na si Epy na pinilit pa ring makapagtapos ng college matapos ang 30 years.
“It’s never too late,” aniya.
Siyempre pa, super proud din sa kanya ang kanilang inang si Baby Smith at mga kapatid na sina Eric, Ronnie, Donna, at iba pa nilang mga kapatid.
Bilihan ng Kapamilya, pinag-uusapan na
Patuloy ang pakikipag-alyansa ng dating leading TV network, ang ABS-CBN sa iba’t ibang giant TV neworks tulad ng GMA, TV5, ALLTV, A2Z habang nananatili silang nangunguna sa kanilang iba’t ibang digital platforms.
Nasa bakuran ng GMA ang leading noontime program na It’s Showtime, habang ang buong content ng mga programa ng Kapamilya Studios ay napapanood sa ALLTV na pag-aari ng pamilya Villar. Karamihan ng mga primetime shows ng ABS-CBN ay napapanood na rin ngayon sa TV5 at mapapanood naman sa digital platforms ng ABS-CBN ang ilang programa ng Kapatid Network.
May lumulutang ding balita na nakatakda umanong bilhin ng business tycoons na sina Manny Pangilinan at Ramon Ang ang AB-CBN, pero wala pang kumpirmasyon hinggil sa naturang balita.
Bago nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020, tandang-tanda pa ng publiko ang pagiging prominente ng kongresista pa noon na si Sen. Rodando Marcoleta na huwag i-renew ang prangkisa ng dating nangungunang TV network.
Kung magkakaroon ng bilihan o kung hindi man patuloy na alyansa sa pagkitan ng ABS-CBN at mga business tycoons ng bansa, isipin na lamang natin that this is for the better para sa mga televiwers.
- Latest






















