JM, seryoso na kay Donnalyn

Going strong pa rin ang relasyon nina JM de Guzman and Donnalyn Bartolome at mukhang natagpuan na nga ng aktor ang kanyang ‘the one.’
Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Donna ay naging madamdamin ang pagbati ng aktor sa kanyang Instagram account.
Sa kanyang birthday message, tinawag niyang ‘God’s gift’ ang girlfriend at nangakong lagi siyang nasa tabi nito. “Mahal ko.. @donna. happy birthday. I will be by your side kahit anong alon pa ng buhay,” mensahe ni JM sa GF.
“I love you.:) my God’s gift to me.:) stay humble, God loving, happy and healthy. Love, Papi Chulo,” aniya pa.
Matatandaang kinumpirma nina JM at Donna ang kanilang relasyon in 2024 matapos ang matagal na panliligaw ng aktor.
Mukhang seryoso ang relasyon ng dalawa dahil nasabi na rin minsan ni Donna na gusto na siyang pakasalan ni JM at ‘asawa’ na raw ang tawag nito sa kanya.
Sa kanyang posts, very vocal naman ang aktor sa pagsasabi kung gaano siya kasaya sa piling ni Donnalyn na hindi raw siya iniwan during his lowest days.
Matatandaang kinumpirma nina JM at Donna ang kanilang relasyon in 2024 matapos ang matagal na panliligaw ng aktor.
Mukhang seryoso ang relasyon ng dalawa dahil nasabi na rin minsan ni Donna na gusto na siyang pakasalan ni JM at ‘asawa’ na raw ang tawag nito sa kanya.
Sa kanyang posts, very vocal naman ang aktor sa pagsasabi kung gaano siya kasaya sa piling ni Donnalyn na hindi raw siya iniwan during his lowest days.
Fyang, ipinagtanggol ng manager
Ipinagtanggol ng talent manager na si Mannix Carancho ang alagang si Fyang Smith sa mga akusasyong malaki na raw ang ulo nito, maldita at may attitude na.
Sa press conference ng Mannix Management na pag-aari ng nasabing talent manager ay natanong nga siya tungkol sa mga intrigang ibinabato sa Pinoy Big Brother: Gen 11 Big Winner.
Ayon kay Mannix, wala raw siyang nakikitang pagbabago kay Fyang at kung ano raw ito before na hindi pa artista ay ganu’n pa rin daw hanggang ngayon.
“Napakabait, walang masamang tinapay. Walang insecurities. Gusto niya lang mag-enjoy,” dagdag pa niya.
Sa tsikang nagbago na si Fyang dahil sa kasikatang tinatamasa, paglilinaw ng kanyang manager, “Para sa akin, hindi naman po. Parang lumiit pa nga kasi mas seryoso na siya sa trabaho. Misunderstood lang.”
Matatandaang bago sumali sa PBB ay isang sikat na content creator si Fyang at sey ni Mannix, hindi niya raw in-expect na sisikat din ito sa mundo ng showbiz although noon pa ay kinakitaan na raw niya ito ng potensyal.
Si Mannix ay nagma-manage ng social media influencers and content creators and in fact, ipinakilala niya sa nasabing mediacon ang kanyang mga alaga under his Mannix Management. Siya rin ang CEO & president ng Prestige International.
Kabilang sa kanyang mga mina-manage ay si Miss Q&A 2026 grand finalist Andrea Lim, na nag-viral dahil sa kanyang mga bonggang sagot sa Q&A on It’s Showtime, Zaidee Diaz, Chona Vibes, Riri Navarro, Merfect at marami pang iba.
- Latest
























