^

Probinsiya

15 containers dinispose, collection target ng BOC sa Port of Subic nalagpasan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
15 containers dinispose, collection target ng BOC sa Port of Subic nalagpasan
Si Bureau of Customs–Port of Subic District Collector Atty. Geniefelle P. Lagmay matapos pangunahan ang ang condemnation ng 15 containers na naglalaman ng mga nabubulok na agricultural products. Aniya, nalampasan ng Port of Subic ang collection target para sa buwan ng Mayo, 2026.
Jojo Perez

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Matagumpay na naisagawa ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Subic ang condemnation at tamang disposal ng 15 overstaying reefer containers na naglalaman ng nabubulok na karne, sibuyas, at iba pang agricultural products sa pangunguna ni District Collector Atty. Geniefelle P. Lagmay.

Ayon sa BOC-Port of Subic, ang mga abandonadong refrigerated containers ay maayos na isinailalim sa condemnation proceedings bago tuluyang itinapon sa awtorisadong waste treatment facility upang maiwasan ang posibleng panganib sa kalusugan ng publiko at sa kapaligiran.

Si Lagmay ang kauna-unahang District Collector mula noong 2016 na nakapagsagawa ng aktuwal na disposal ng mga abandonadong reefer containers na matagal na nananatili sa pantalan. Malaking ginhawa umano ito para sa mga stakeholder ng pantalan dahil nalinis ang mga overstaying containers na matagal nang itinuturing na suliranin sa loob ng Freeport.

Bukod sa paglilinis ng pantalan, nakapagtala ang Port of Subic ng P4.471 bilyong koleksyon noong Mayo 2026, na higit sa itinakdang target na P4.092 bilyon. Lumampas ito ng P378.71 milyon o 9.25 porsiyento sa target na itinakda ng pamahalaan.

Patunay umano na nananatiling epektibo ang pagpapatupad ng BOC sa pangongolekta ng kita, pagpapadali ng lehitimong kalakalan, at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas sa customs habang tinutugunan ang mga matagal nang suliranin sa loob ng Port of Subic.

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with