^

Pang Movies

Junior actress, laging may isyu sa mga katrabaho

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naku, umiral na naman ang pagiging maldita ng isang junior actress na nahiwalay na sa kanyang ka-loveteam!

Lagi na lang itong may isyu dahil feeling niya eh sikat na sikat siya! Eh ayon sa aming source, sa isang series na ginawa, hindi siya masyadong nakikichika sa mga kasama sa series.

Eh may isang baguhang aktor na gusto siyang makachika kapag walang gagawin sa set.

Pero papalapit pa lang daw ang baguhan, may distansya na agad si junior actress! Ayaw niyang tinatabihan siya ng baguhan o ‘di kaya, walang time makipag-usap!

Detached na detached siya sa ibang co-stars at walang panahon sa chikahan sa kanila!

Sa production staff at handler lang nakikipag-usap si junior actress! Kung hindi ka isa sa mga ‘yon, huwag na huwag siyang lalapitan, huh!

Sen. Robin, gumagamit ng google para ma-gets ang pangyayari sa impeachment trial!

Aliw panoorin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte!

Nung day 1 last July 6, may bangayan na agad sa Senado!

Sa Kongreso naman, pagalingan ng mga counsel! At pabonggahan ng damit at buhok, huh! Bagong plantsa ang buhok ng lead counsel ng defense!

Pero talbog lahat ng senador kapag pumapasok na sa eksena si Senator Robin Padilla!

Windang ang lahat nang sabihin niyang gagamit siya ng Google upang malaman ang ibig sabihin ng legal terms na binanggit! Kasi nga raw, graduate siya sa UP o University of Prison!

Tanging si Senador Robin lang ang makakagawa niyan whether you like it or not!

Jose, magso-solo sa bar

Dadalhin naman ni Jose Manalo ang musika at komedya niya sa Bar IX sa Molito, Alabang sa July 26!

Second solo show na ito ni Jose dahil nagpapagaling pa ang partner niyang si Wally Bayola.

Eh kuhang-kuha ni Jose ang kiliti ng mga tao gaya ng crowd na pinasaya niya sa isang bar sa Marikina kung saan siya huling nag-show!

Kaya umagap na ng tickets at experience sa Jose Manalo’s brand of comedy and music!

JOSE MANALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with