^

Police Metro

PWD na vlogger todas sa bugbog ng 5 lalaki

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Person With Disability (PWD) vlogger ang nasawi matapos na kuyugin at pagtulungang bugbugin ng limang kalalakihan sa gitna ng komosyon sa isang videoke bar sa bayan ng Bamban, Tarlac.

Sa ulat ng Bamban Municipal Police Station (MPS) nangyari ang insi­dente nitong Linggo sa isang videoke bar sa Brgy.San Nicolas ng bayang ito.

Nabatid na nagtungo ang 35-anyos na vlogger­ na kinilalang si Arjay Yumul­, kilala sa kaniyang “Katotzkie vlog” sa nasa­bing videoke bar kung saan nagkataong nag-iinuman ang mga suspect.

Dito ay biniro umano ng biktima ang isa sa mga suspect na kakilala nito pero minasama ito ng isa sa mga suspect na nauwi sa pagtatalo ng magkabilang panig.

Nagkaroon ng suntukan sa pagitan ng biktima at ng isa sa mga suspect kung saan ilang saglit pa ay kinuyog at pinagtulungang bugbugin ng apat pang suspect ang biktima.

Sa kabila ng sugatan ay nagawang makatakbo ng biktima pero hinabol ito ng mga suspect at umabot ang rambulan sa tapat ng isang gasolinahan hanggang sa may kapilya.

Humupa lamang ang rambulan nang rumes­ponde ang mga operatiba ng pulisya at isinugod sa pagamutan ang biktima na nilapatan ng pa­ngunahing lunas pero pina­yagan din itong makauwi sa kanilang tahanan.

Nang makauwi sa ka­nilang tahanan ay duma­ing ito ng matinding pagkahilo at pananakit ng ulo na kaya muli itong dinala sa ospital pero tuluyan nang binawian ng buhay sa internal hemorrhage.

Pinaghahanap na ang mga suspect upang panagutin sa kasong homicide.

PWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with