^

Police Metro

Pro at anti-impeachment naggirian sa labas ng Senado

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 6,300 pulis ang nakabantay sa paligid ng Senado para tiyakin ang kapayapaan at seguridad dahil sa pagdagsa ng iba’t ibang grupo ng raliyista kahapon para sa unang araw ng impeachment trial ni Vice Presidente Sara Duterte.

Kabilang sa pabor sa impeachment ang civil society groups Akbayan Partylist, Tindig Pilipinas, Nagkaisa Labor Coalition, Bagong Alyansa Makabayan (BAYAN), ML Partylist, Kalipunan, at iba pang religious at student organizations, habang sa kontra impeachment para kay VP Sara ang #ProtectVPSara at iba pang pro-Duterte advocates.

Nagkaroon ng kaunting girian sa pagitan ng mga pulis at raliyista nang sumulong mula sa Film Center para makalapit sa Senado, subalit hinarang sila ng mga pulis.

Ilang pro-Duterte naman ang nag-alay ng misa sa labas ng Senado na nagpahayag na suportado nila ang Bise hanggang dulo at panalangin nila ang  katotohanan, katarungan at patas na impeachment trial, kasabay ng paggiit na wala umanong basehan ang ibinabatong alegasyon laban sa Bise.

Isa pang grupo ang lumutang na pawang nakasuot ng puti at pulang t-shirts na may mga dalang banner na “Balangay ng Bagong Maynila”, na batay sa logo nila ay halos kinopya sa “Bagong Pilipinas”.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Police Major Hazel Asilo na naka-full alert na sila simula alas-5:00 ng hapon ng Linggo, at naka-deploy ang 3,250 sa Senado habang nakaantabay ang 2,900 na tauhan ng Civil Disturbance Management na ipakakalat sa paligid ng Senado para sa impeachment trial ni VP Sara.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with