SB19 Pablo, magso-solo na!

Trending sa X si Pablo Nase ng SB19 matapos niyang inanunsyo ang kanyang first solo concert na The Middle.
Sa kanyang X account nitong Sabado, nagpahayag ng kanyang saloobin ang main rapper/songwriter ng SB19 sa pagkakaroon ng solo concert at inaming at first ay nag-alinlangan siyang gawin ito. “The middle. Napaka-komplikadong konsepto nito para sakin. Para akong nasa push and pull relationship,” simula niya.
“Ironic kasi middle child ako, pero most of my life, I’ve been trying to avoid taking that space. Kahit ngayon na solo ako, part of me still feels like I shouldn’t grab too much attention,” aniya.
Patuloy niya, “Parang minsan, hindi ko alam kung deserved ko ba talaga. But at the same time, alam ko rin na kailangan kong harapin ‘to.”
Nagpaliwanag din siya na gagawin niya ito hindi para magpapansin. “Kailangan kong tumayo sa gitna, hindi dahil gusto kong maging angat sa iba o mapansin, but because maybe this is part of what I’m meant to do.
“People keep telling me I deserve the things I’m achieving. Pero ang hirap paniwalaan kapag ikaw mismo, ang dami mong doubts sa sarili mo.
“So this time, I’m choosing to stand here. This time, I’m taking the Middle Because if I want to remind people of their greatness, I need to remind myself first na meron din ako nu’n,” pahayag ni Pablo.
“Magkita-kita tayo in the Middle, July 17,” pagtatapos pa niya.
Kasunod nito ay kaagad nag-trending ang topic na “Pablo In The Middle” sa X at sobrang excited na ang kanyang fans na nangakong manonood ng concert na gaganapin sa The Crossroads Center on July 17.
Bini, nagpasalamat
Pormal nang inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) ang pagiging tourism ambassadors ng BINI.
Nitong Biyernes, July 3, bumisita ang Nation’s Girl Group sa DOT Central Office at nagkaroon ng pag-uusap with Tourism Secretary Maria Bernardita “Dita” Angara-Mathay.
Sa nasabing pag-uusap, tinalakay nila ang posibleng partnerships at promotions para maipakita ang ganda ng Pilipinas at ang iba’t-ibang travel destinations sa bansa.
“We made the right choice,” pahayag ni Sec. Mathay sa panayam ng ABS-CBN. “I am so happy. They have so many ideas. Sometimes the young people can direct a whole generation, whole bureaucracy to go a certain direction — which will connect with the larger population. They are delightful and talented people.”
Ayon naman kau BINI Jhoanna Robles, marami raw silang gustong gawin as Tourism ambassadors. At nakatulong nga rin daw na galing silang walong members sa iba’t ibang probinsiya.
Nagpasalamat naman ang grupo sa pagkakapisil sa kanila bilang mukha ng turismo sa ating bansa.
- Latest






















