Tubig sa Magat Dam, bumaba
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tuluyang bumaba sa normal level ang tubig sa Magat Dam na matatagpuan sa border ng Ifugao at Isabela, ayon sa National Irrigation Administration (NIA)-Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS).
Ayon sa pinakahuling advisory na ipinalabas ng NIA-MRIIS kahapon (29June), ang water elevation ng reservoir ay bumulusok sa 165.60 metro na malayong mababa sa normal level na 183 meters.
Mababa rin ang volume ng inflow ng tubig na nasa 28.10 cubic meters per second (CMS) lamang kumpara sa outflow na nasa 78.28cms. Ang inflow ay ang volume ng tubig na pumapasok sa dam mula sa dalawang malalaking ilog-- ang Ibulao River mula sa lalawigan ng Ifugao at Magat River na mula sa Nueva Vizcaya.
Ang kawalan ng sapat na ulan dulot ng malawakang El Niño ang pangunahing dahilan kung bakit hindi na sapat ang tubig na dumadaloy sa dalawang ilog na nagsu-supply sa Magat Dam.
Samantala, humihingi na ng saklolo ang mga mangingisda sa dam matapos ang malawakang fish kill dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig at kawalan ng sapat na oxygen sa kanilang mga fish cages na sinabayan pa ng mainit na panahon.
- Latest



















