3 arestado sa baril at granada sa Oplan Sita

Sa Las Piñas, nahuli si alyas “Mark,” 29, sa isang checkpoint matapos makumpiskahan ng kalibre .22 na pistola na may 10 bala at walang kaukulang lisensya.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki ang naaresto matapos makumpiskahan ng mga baril at granada sa magkahiwalay na Oplan Sita sa Las Piñas at Pasay City nitong Linggo ng madaling araw.

Sa Las Piñas, nahuli si alyas “Mark,” 29, sa isang checkpoint matapos makumpiskahan ng kalibre .22 na pistola na may 10 bala at walang kaukulang lisensya.

Sa Pasay City, n­aaresto naman ang riding-in-tandem na sina alyas “Daniel,” 23, at alyas “George,” 20, matapos tangkaing tumakas sa checkpoint. Narekober sa kanila ang isang ­kalibre .38 na baril at isang live hand grenade.

Nahaharap ang tatlo sa mga kasong paglabag sa RA 10591, habang kinasuhan din ang dalawang suspek sa Pasay ng paglabag sa RA 9516 at Article 151 ng Revised Penal Code.

Show comments