Digital service ng Dermalog, tuloy
MANILA, Philippines — Kasabay ng patuloy na serbisyo, nagpasalamat ang Dermalog Identification Systems GmbH sa publiko sa tiwala at paggamit ng Land Transportation Management System (LTMS) na isang digital platform na nagpapabilis at nagpapadali ng mga transaksiyon, nagpapahusay sa accessibility ng mga serbisyo, nagpapalakas sa seguridad ng mga dokumento, at tumutulong sa pagsusulong ng mas transparent na paghahatid ng serbisyo publiko.
Sa pahayag ni Dermalog CEO Günther Mull, tagumpay ng digital transformation ang tiwala at aktibong pakikilahok ng publiko, bukod sa paggamit ng makabagong teknolohiya.
Aniya, naging mahalaga ang suporta ng mga Pilipino sa patuloy na pagpapaunlad ng digitalisasyon ng mga serbisyo sa transportasyong panlupa. Kinilala rin ng nasabing kompanya sa ambag sa mga ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas, mga kawani ng gobyerno, technical teams, at iba pang stakeholders sa pagbuo, pagpapatupad, at patuloy na operasyon ng LTMS.
Bilang isang global provider ng biometric identification at digital security solutions, sinabi ng Dermalog na nananatili itong handang suportahan ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng ligtas, maaasahan, at episyenteng digital infrastructure.
Umaasa rin ang kumpanya na makapag-aambag pa ito sa mga proyektong nagtataguyod ng kahusayan, integridad, kaligtasan ng publiko, at tiwala sa mga serbisyo ng pamahalaan.
- Latest















