Herlene, sa simbahan gustong pakasal

“Happy naman ako, sobrang daming nagpapasaya ng puso ko,” sagot kaagad ni Herlene Budol aka Hipon Girl nang tanungin ang lagay ng kanyang lovelife sa ginanap na launching Star SineMax, isang bagong streaming platform na pinaghalu-halo ang iba’t ibang genre ng pelikula.
Kasama niya sa launching ng Star SineMax ang karelasyong si Kevin Dasom.
Nang tanungin kung puwede siyang kausapin, si Kevin, sumagot kaagad si Kevin ng “I don’t speak Tagalog.”
Bago sila nagkaroon ng relasyon ni Kevin ay nagkatambal sila sa afternoon series ng GMA na Binibining Marikit.
At nang tanungin si Herlene kung umaasa ba siyang sa kasal magtatapos ang relasyon nila ng halfie boyfriend, “Of course sino ba namang babae ang hindi gustong ikasal. Nasa tamang panahon ‘yan, nasa tamang tao ‘yan.”
Sa simbahan ang gusto niyang kasal ‘pag nagkataon.
May nilulutong pelikula sa kanilang ang Star SineM ax pero ayaw pa niyang sabihin kung ano ‘yun pero ang clue niya “ako si Jane.”
Samantala, ang dami raw sa kanyang nag-aayang mag-pageant ulit. In fact, this year daw ay may nag-invite sa kanya. “‘Di natin masigurado. Pero ang daming nagta-try na mag-invite sa akin na mag-pageant ulit. Why not. Tingnan natin ang tamang panahon,” sabi niya dahil ang manager niya raw na si Wilbert Tolentino ang bahala kung saan siya dadalhin.
Pero ‘wag na raw masyadong mag-expect dahil hindi naman masyadong nagtatrabaho ang utak niya. “Ready na ba ulit kayong i-bash ako ulit,” sabay tawa at tanong niya sa mga kaharap na media.
Bago sumali sa Miss Grand Philippines, si Herlene ay nagtapos bilang first runner-up sa Binibining Pilipinas 2022.
Inamin ni Herlene na naapektuhan siya ng mga bashing na natanggap matapos ang kanyang sagot Q&A sa Miss Grand PH.
Maaalalang na-bash nang grabe ang Kapuso star nang sumagot siya ng “Thank you for that long question for me. Chariz! I have a big followers (sic) because I have a big heart. Oh, English ‘yun ha? Nakapag-compose po ako kaagad. Ano nga ulit ‘yung tanong? “
Ang tanong ay “Apart from your big social media following, what else have you got in order to win the crown?”
Nilaro lang daw niya ang nasabing pageant, as in dog show, pero inamin niyang hindi lang daw niya talaga naintindihan noon ang tanong sa kanya.
Nakatakda rin sana siyang sumali sa kanyang unang international pageant, ang Miss Planet International 2022, ngunit umatras siya “dahil sa mga kawalan ng katiyakan ng mga organizer.” Hindi maayos ang pagtrato sa mga kandidato,” sabi niya noon.
- Latest



















