James at Kathryn, may kailangang patunayan!

Malapit nang matunghayan sa primetime slot ang much-awaited na tambalan nina Kathryn Bernardo at James Reid na parehong napawalay sa kanilang ex-partners and loveteammates na sina Daniel Padilla at Nadine Lustre sa magkahiwalay na pagkakataon.
Si Kathryn ay huling napanood sa isang serye nung 2022 sa pamamagitan ng primetime TV series na 2 Good 2 Be True na pinagtambalan pa nila ng kanyang ex na si Daniel habang si James naman ay nung 2017 pa huling napanood sa Till I Met You kasama si Nadine Lustre.
Ang balik-serye nina Kathryn, James at Maja Salvador ay unang ipapalabas sa Netflix three days or 72 hours bago ang TV release nito na mapapanood din sa ALLTV, TV5, A2Z at sa multiple platforms ng ABS-CBN.
Samantala, ito rin ang unang serye nina Kathryn at James na may iba na silang partners – si Lucena mayor na si Mark Alcala kay Kathryn habang si Issa Pressman naman kay James. Dito rin nila mapapatunayan na kahit wala silang ka-loveteam ay kaya na nilang tumayo on their own without banking on a loveteam.
Viva, may pa-talent search na rin
Ongoing ang talent search ngayon ng Viva’s Next Big Star streaming on Viva One kung saan isa sa walong finalists ang tatanghaling winner sa tulong ng tatlong judges-mentors na sina Cristine Reyes, veteran director na si Mac Alejandre at ang writer-director and talent manager na si Direk Paul Jason Laxamana sa pamamagitan ng mga boto ng subscriptions on Viva One.
Ang walong young aspirants aiming for the title, ay binubuo nina Calvin (21) ng Parañaque, Jamie (20) ng Bulacan, Jaycee (18) ng Laguna, Kurt (17) ng Rizal, Lougee (16) ng Caloocan, Miguel (16) ng Davao City, Mina (19) ng Muntinlupa at si Mish (19) ng Davao City.
Alex, loyal!
Ang mag-asawang Vice Governor Alex Castro (ng Bulacan) at Sunshine Garcia (ng SexBomb Girls) ay dalawa sa almost a 100 brand ambassadors ng iba’t ibang produkto ng Beautederm na 16 years na ngayong nangunguna sa market.
Nung nakaraang Huwebes ng hapon ay ni-launch ng Beautederm ang pinakabagong perfume line named after the celebrity couple na Alex at Sunshine na ang mag-asawa na rin mismo ang celebrity endorsers.
Konsehal pa noon ang actor-turned politician na si Alex Castro nang maging bahagi siya sa Beautederm family. Thirteen years later ay hindi lamang siya ang nagkaroon ng sarili niyang perfume line kundi maging ang kanyang misis na si Sunshine.
Ang launch na pinangunahan mismo ng Beautederm founder and CEO na si Rei Anicoche-Tan sa kanilang headquarter sa Pampanga.
- Latest
























