^

Police Metro

Sen. Bato, nasa Pinas pa - NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kabila ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay malakas na indikasyon na ito ay nasa Pilipinas pa.

Ito ang sinabi National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag dahil sa patuloy nilang sinusundan ang mga impormasyong may kaugnayan sa kinaroroonan ng senador.

“Mayroon pong malakas na indikasyon na nandito pa po sa Pilipinas at meron pong mga impormasyon kaming sinusundan,” ani Matibag.

Aniya, mahihirapan umanong makalabas ng bansa si Dela Rosa dahil 132 bansa ang miyembro ng ICC.

Si Dela Rosa ay may ICC arrest warrant para sa “alleged criminal responsibility as an indirect co-perpetrator” sa crimes against humanity of murder na umano’y naganap mula Hulyo 3, 2016 hanggang katapusan ng Abril 2018, kung saan hindi bababa sa 32 katao ang nasawi.

Sinubukan ng mga otoridad na isilbi ang warrant noong Mayo 11, ngunit kalaunan ay isinailalim siya sa protective custody ng Senado.

Noong Mayo 14, umalis siya sa Senado matapos ang lockdown at hindi na muling nakita sa publiko.

Nilinaw rin ni Matibag na wala pang natatanggap ang NBI na panibagong ICC arrest warrant, kabilang ang umano’y inilabas laban kay Senator Bong Go.

RONALD “BATO” DELA ROSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with