Pukpukan na ensayo ng Gilas
MANILA, Philippines — Pukpukan na ang preparasyon ng Gilas Pilipinas sa Brisbane, Australia para sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Nasa Brisbane muna ang Gilas Pilipinas para sa maikling training camp doon bago tumulak sa Wellington, New Zealand.
Sa New Zealand, sasalang ang Gilas sa dalawang tuneup games laban sa mahuhusay na NBL teams.
Ang kanilang unang tuneup game ay kontra sa Manawatu Jets na lalaruin bukas.
Matapos makalaban ang Jets, haharapin naman ng Gilas Pilipinas sa Martes ang Bulls sa isa pang friendly game.
Aarangkada naman ang unang laban ng Gilas Pilipinas sa third window laban sa New Zealand Tall Blacks na lalaruin sa Auckland sa Hulyo 3.
Nagpasalamat si Gilas Pilipinas head coach sa pamunuan ng Brisbane Bullets sa pagtulong sa kanilang training camp.
Maganda ang pasilidad ng Bullets na malaking tulong sa pagpapakundisyon ng Pinoy cagers.
“Brisbane Bullets are helping us out in terms of lending their facilities to us. So we’re going to take full advantage of it and try to acclimate to the weather,” wika ni Cone.
Malamig sa Australia at New Zealand kaya’t maagang umalis ang Gilas Pilipinas.
- Latest




















