Developer ng GoreBox, nalungkot sa Tacloban shooting
MANILA, Philippines — Ikinalungkot ng developer ng video game na GoreBox ang nangyaring pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon ng mga awtoridad.
Sa pahayag ni F2Games founder at GoreBox developer Felix Filip, labis siyang nalungkot sa insidente at nakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi, sugatan, at sa buong komunidad ng paaralan.Tiniyak ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Pilipinas at makikipagtulungan sa imbestigasyon alinsunod sa umiiral na batas.
Nauna nang sinabi ng mga imbestigador na posibleng naimpluwensiyahan ng GoreBox ang dalawang menor-de-edad na suspek sa pamamaril, dahilan upang ipagbawal ng pamahalaan ang pag-access sa laro.
Paliwanag pa ni Filip, ang GoreBox ay idinisenyo lamang para sa mga matatandang manlalaro, may age-rating, parental controls, at mga babala laban sa karahasan.Paulit-ulit din ang paalala ang GoreBox ay kathang-isip lamang at hindi naghihikayat o nagtuturo ng karahasan sa totoong buhay.
- Latest




















