Isha, wish maka-collab si Sarah

Successful ang album launch/mini-concert ng fast rising singer / song writer na si Isha Ponti noong Sabado ng gabi na ginanap sa Viva Cafe.
All out ang naging suporta ng kanyang pamilya, friends and classmates sa Enderun - doon siya kasalukuyang nag-aaral.,
Kasabay na rin doon ang birthday celebration ni Isha.
Likas ang title ng kanyang album na nakapaloob ang 10 tracks - Darating, Numero, Hinga, Halika, Warmth, Gulong, Bakas, Riversky, Mismo, at ang carrier single na Kabanata.
Relatable ang bawat kanta, may hugot at may nakakakilig.
Walang itong tapon na bagay na bagay sa timbre ng boses niya.
Ayon kay Isha, sa pamamagitan ng kanyang mga kanta, wish niyang makatulong sa mga taong nakaranas ng kaparehong sitwasyon at maka-inspire na rin sa marami pang iba.
Sakop ng mga kanta ang isang yugto sa kanyang buhay kung kailan siya ay naka-move on na pero patuloy na may dalang mga alaalang hindi niya mabura.
“I moved on na pero there are still remnants of him in my life na hindi ko matatanggal pero tanggap ko na,” sabi niya.
At aniya ang paggawa sa album ay humantong din sa ilang mga realisasyon tungkol sa kanyang sarili. “Na-realize ko po na marupok pala ako. When you’re nasa emotional peak, ang daming hugot,” sabi pa niya.
Pero pagdidiin niya : “Despite those pain … I still chose to be kind.”
Sa huli, naisip niya na ang sagot sa matagal na niyang ipinagdarasal ay hindi mula sa ibang tao. “‘Yung hinihiling ko pala kay Lord nung umpisa pa lang ng longing was me in the end,” sabi pa niya. “Ako lang pala ‘yung pinagpa-pray ko all this time.”
Ang album ay binubuo lamang ng mga orihinal na kanta.
Ang bilang niya, 29 na kanta na ang naisulat niya sa ngayon, at piniling tutukan ang pagsusulat ng kanta habang binabalanse ang kanyang career at pag-aaral.
“My priority was great songs, studies,” na maraming beses nang sumali sa mga singing competitions.
Nang tanungin kung sino sa mga artist ang gusto niyang maka-collaborate, binanggit ni Isha sina Sarah Geronimo, Yeng Constantino, Janine Teñoso at Maki. Pero aminado siyang biased siya kay Sarah.
“Idol na idol ko po talaga si Miss Sarah Geronimo. I really admire how she presents herself, ‘yung principles niya sa buhay.”
Pero aniya, gusto niyang makilala sa kanyang sariling identity. “I value my own identity as an artist. I know myself. And I know what’s true and I know what’s false,” paliwanag niya pa.
Naging special guest naman niya sa Likas album launching si Kelvin Miranda.
- Latest
























