^

Police Metro

‘Most wanted’ ng FBI, timbog sa pasig!

Ludy Bermudo - Pang-masa
‘Most wanted’ ng FBI, timbog sa pasig!
Ayon sa BI, naisuko na rin nila sa mga awtoridad ng Estados Unidos ang puganteng si si Herbert Leon ­Kimble.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

Sa $1.2 billion medicare fraud sa Amerika

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) matapos na bumagsak sa kanilang kamay ang isa sa mga most wanted fraudster ng Fe­deral Bureau of Investigation (FBI).

Ayon sa BI, naisuko na rin nila sa mga awtoridad ng Estados Unidos ang puganteng si si Herbert Leon ­Kimble.

Si Kimble ay matagumpay na nadakip ng BI-Fugitive Search Unit sa isang casino sa Pasig City.

Iniulat ng US Department of Justice, na ilang buwan ang ginawang pagtunton ng mga ahente ng BI-FSU sa kinaroroonan Kimble bago nadakip.

Sa rekord ng FBI, Abril 4, 2019, nagpasok ng guilty plead si Kimble sa US District Court ng District of South Carolina, Columbia Division, sa conspiracy charges kaugnay sa panloloko sa US, sa claims sa federal agency, mail fraud, wire fraud, healthcare fraud, at pag-aalok ng kickbacks at panunuhol para sa kanilang fraud scheme.

Noong Agosto 27, 2024 ay hindi na sumipot si Kible sa korte para basahan ng sentensya kaya agad na nag-isyu ang mga awtoridad ng arrest warrant.

Akusado si Kimble sa pagmamanipula ng mahigit $1.2 bilyon sa Medicare fraud na pinakamalaking kaso ng healthcare na nilitis sa Amerika.

May patong na $150,000 para sa impormasyong makapagtuturo at madakip si Kimble.

FBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with