Adolescent Health at Healthy Workplaces sa Malabon, pinalakas
MANILA, Philippines — Mas pinalakas pa ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang pagsusulong ng kalusugan ng kabataan at mas maayos na lugar ng trabaho sa pamamagitan ng paglulunsad ng Malabon Kabataan One Network for Empowerment and Kalusugan (KONEK) Manual at paglagda sa Healthy Workplaces Initiative Commitment Letter at Commitment Wall.
Pinangunahan ng City Health Department–Health Education and Promotion Section ang mga programang naglalayong mapalawak ang access ng kabataan sa serbisyong pangkalusugan at makalikha ng ligtas, suportado, at wellness-oriented na kapaligiran para sa mga empleyado ng lungsod.
Kasabay nito, inilunsad din ang Malabon KONEK Manual, na magsisilbing gabay sa koordinasyon at referral system ng mga paaralan, barangay, health facilities, national government agencies, at partner organizations upang matiyak na madaling maabot ng mga kabataan ang mga programang pangkalusugan at pangkaunlaran.
Binigyang-diin naman ni City Administrator Dr. Alexander T. Rosete na ang pamumuhunan sa kalusugan ng mga empleyado at kabataan ay mahalaga upang mapahusay ang serbisyo publiko at mapabilis ang pag-unlad ng Malabon.
- Latest
















