^

Pang Movies

Cristine, proud sa kanyang cellulites!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Cristine, proud sa kanyang cellulites!
Cristine Reyes

Aminado si Cristine Reyes na nami-miss na niya ang pag-arte. Ang huling project pa kasi na ginawa niya ay ang The Kingdom with Vic Sotto in 2024.

“For the longest time, medyo nakapagpahinga naman ako. Na-realize ko, I can’t say ‘no’ forever, alam mo ‘yon? At first, parang noon, ‘ayoko na, gusto ko nang magpahinga.’ Pero hindi siya nawawala sa ‘kin, sa dugo ko,” sey ng aktres sa kanyang panayam sa latest vlog ni Bianca Gonzalez.

Dagdag pa niya, “Parang na-realize ko lately, parang gusto ko nang bumalik ulit, mag-acting. Parang hinahanap na siya ng katawan ko ulit. I think, siguro, since 14 (years old), I’ve been doing this. ‘di ba? Totoo pala ‘yun na hahanap-hanapin mo siya.”

‘Kaaliw naman ang sagot niya nang tanungin kung willing pa rin siyang magpa-sexy sa mga proyekto.

“Willing pa rin naman ako to do a sexy role kung gusto nila,” sabay-tawa.

Paliwanag niya, siyempre, iba na raw ang katawan niya ngayon bilang nanay na rin siya. Inamin din niyang may mga cellulites na rin siya at hindi na rin siya ganu’n ka-vain.

“Wala na akong pakialam, hindi na ako pumupunta sa mga machine-machine na ‘yan. Bahala kayo kung gusto n’yong makita ‘yung mga cellulites,” aniya.

Anyway, masayang-masaya si Cristine sa kanyang love life ngayon with her non-showbiz fiancé, Gio Tingson.  “Super-happy. Finally, I found ‘the one,’ the real one, you know. This time, hindi ako nagmadali, walang mga doubts, walang mga umiiyak na mga friends na ‘sigurado ka ba?’

“Ngayon, lahat, tuwang-tuwa, at saka, lahat ng mga kaibigan ko, parang at peace raw sila na right now, kampante sila na may mag-aalaa na raw sa akin, hindi na raw ako iiyak, ganyan,” pahayag niya.

Myrtle, hindi nahabol ang nawalang cellphone!

Kahit nag-offer na si Myrtle Sarrosa ng reward na P30,000 sa sinumang makakapagbalik ng kanyang cell phone, hindi pa rin ito nare-recover hanggang ngayon.

Nawala ang mobile phone ng cosplayer/actress sa ToyCon na ginanap nitong nakaraang weekend at agad niya itong ipinost sa kanyang Facebook.

“Today, my phone went missing during ToyCon. Sa nakapulot o nakakuha po ng phone ko, nagma­makaawa po ako. Sana maibalik ninyo na lang po ito. I’m willing to give a ?30,000 reward sa makakapagbalik nito,” post ni Myrtle.

Sa latest update niya, ikinuwento niyang na-track nila ang kanyang telepono sa Commonwealth, Que­zon City at kahit naka-costume pa siya ay sumugod sila sa nasabing lugar.

Mahigit isang oras daw nilang hinabol ang cellphone dahil nagpunta pa raw ito ng Fairview at Mindanao Avenue hanggang bumalik ulit ng Ever Gotesco sa Commonwealth.

“For over an hour, hinahabol namin sila through Commonwealth, Fairview, and Mindanao Avenue almost to SM Fairview.

“There were moments na we were only a few vehicles away from whoever had it. As in dikit na talaga. Then the phone started heading back to Ever Gotesco.

“We followed it and immediately sought assistance from the security. I honestly thought we were about to recover it. Kasi katabi na namin siya sa tracker,” kwento ni Myrtle.

Pero hindi raw nila nakita ang phone dahil pinatay na ito ng taong may hawak at hindi na rin nila na-trace.

“Sobrang lungkot ko na. All I could think about were the memories inside that phone. And yes, I could’ve backed everything up. But this past month has been incredibly heavy for me. My Lola passed away. My dad was hospitalized. And honestly, I just hadn’t gotten around to backing up hundreds of gigabytes of files kasi I’ve always shot my stuff in Raw. Including some of my last memories with my Lola before she passed,” aniya.

Sa pagtawag daw nila ulit sa telepono ay biglang may sumagot na pero hindi pa rin daw nila ito nababawi.

Feeling ni Myrtle ay gusto pa ng mas malaking pera ng kawatan than P30,000 na offer niya.

“Let’s just say... it doesn’t feel like the goal is simply returning the phone anymore. Right now, it feels like the goal is to get more money.

“Hopefully I’m wrong. Hopefully they still choose to do the right thing. Kasi as I mentioned kahapon sa post. If genuinely they wanted to return it, I have no ill emotions and open ako to give the reward. I’ll update agad soon pero Prayers na lang muna na maging mabuting tao siya,” pagtatapos ng cosplayer/actress.

 

CRISTINE REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with