Cone asar na kay Reyes

MANILA, Philippines — Pagod na si Barangay Ginebra coach Tim Cone sa ipinalalabas na naratibo ni TNT Tropang 5G mentor Chot Reyes tungkol sa officiating sa Season 50 PBA Commissioner’s Cup Finals.
Hindi man binanggit ang pangalan ng 61-anyos na si Reyes, tila ang dati niyang assistant sa Alaska ang pinariringgan ng 68-anyos na si Cone.
“I’m just getting real tired of the idea that if we win, it’s because we got favors from the referees. And when they win, it’s about great coaching and great play,” ani Cone matapos ang 90-98 kabiguan ng Gin Kings sa Tropang 5G sa Game Six na nagtabla sa kanilang serye sa 3-3 noong Linggo.
Nang manalo ang Ginebra sa TNT sa Game Five via overtime, 100-95, ay inireklamo ni Reyes ang officiating na tinawag pa niyang ‘excellent’.
Ayon kay Cone, asar na siya sa mga pahayag ni Reyes ukol sa officiating sa kanilang best-of-seven championship series.
“It’s a narrative that’s getting really old, and it’s starting to bother me a little bit,” sabi ni Cone.
“It’s unfair. I’ve coached against Ginebra for 27 years. It’s now gotten to a point where it’s gotten crazy. It’s the referees for us, and it’s great coaching and great plays for them,” dagdag ng American coach.
Pag-aagawan ng Gin Kings at Tropang 5G ang korona sa ‘winner-take-all’ Game Seven bukas sa MOA Arena sa Pasay City.
Puntirya ng Ginebra ang ika-16 titulo, habang ang pang-12 kampeonato.
Tinalo ng Tropang 5G ang Gin Kings sa kanilang tatlong PBA Finals showdown.
Nangyari ito noong 2023 Governor’s Cup, 2024-2025 Governor’s Cup at Commissioner’s Cup sa likod ni import Rondae Hollis-Jefferson.
- Latest



















