^

Dr. Love

Binu-bully ng kuya ng gf

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago nyo na lang po ako sa pangalang Jun, 24 taong gulang. Sumulat ako dahil hindi ko na alam ang gagawin sa pambu-bully ng kuya ng girlfriend ko.

Magdadalawang taon na kami nni Lea. Napakabait niya, kaya lang, ang problema ay ang panganay niyang kuya. 

Harap-harapan akong nilalait na pangit at sinasabihan na hindi bagay sa kapatid niya. 

Nitong huli, nagbiro pa siya sa harap ng maraming tao na baka raw “na-orasyonan” ko si Lea kaya naging girlfriend ko. Sobrang napahiya ako at unti-unti nang nawawalan ng tiwala sa sarili. 

Palagi naman akong ipinagtatanggol ni Lea, pero nag-aaway lang silang magkapatid. Mahal ko si Lea pero nasasaktan na ako. 

Ano po ang dapat kong gawin?

Jun

Dear Jun,

Unang-una, huwag mong hayaang ibaba ng ibang tao ang tingin mo sa iyong sarili. Ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa panlabas na anyo, at ang katotohanang mahal ka at ipinagtatanggol ni Lea ang pinakamagandang patunay na ikaw ay sapat at karapat-dapat.

Huwag mong papatulan ang kuya niya sa parehong mababang paraan. Sa halip, kausapin mo si Lea nang masinsinan. 

Iparating mo sa kanya na nagpapasa-
lamat ka sa pagtatanggol niya, ngunit mas mabuting magtakda kayo ng “boundaries.” 

Hayaan mong si Lea ang direktang makipag-usap sa kuya niya sa isang seryosong pagkaka-taon para sabihing respetuhin ang relasyon ninyo. Kung hindi magbago ang kuya niya, umiwas ka muna sa mga okasyong nandoon siya. 

Ang mahalaga ay ang relasyon ninyong dalawa, hindi ang opinyon ng taong sarado ang isip. 

Patunayan mo na lang sa kanila na mabuti kang tao sa pamamagitan ng iyong mga gawa at pagmamahal kay Lea.

Higit sa lahat, manatili kang maging marespeto sa kuya ng girlfriend mo sa kabila ng lahat. 

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with