iWant at DITO, may pa-libreng streaming!

Mas maraming Pinoy mula Luzon, Visayas, at Mindanao ang makapanonood ng pinakamalawak na koleksyon ng Filipino feels mula sa iWant matapos makipagsunduan ang Kapamilya streaming platform sa major telco provider na DITO Telecommunity.
May libreng 1GB/day streaming ang DITO subscribers para libreng mapanood ang mga programa ng iWant sa DITO app (available sa Google Play at Apple App store).
Libreng mapapanood ng mga programa ng ABS-CBN, gaya ng It’s Showtime at TV Patrol, pati ang mga serye nitong Blood vs Duty, The Alibi: Ang Buong Katotohanan, at ang ABS-CBN Studios/GMA Network collaboration series na The Secrets of Hotel 88. Abangan din sa iWant via DITO app ang libreng panonood ng panibagong serye nina Coco Martin at Julia Montes na Sigabo.
Mapapanood din nang libre ang mga classic Kapamilya serye na Be Careful with My Heart at FPJ’s Ang Probinsyano, pati ilan sa kinagiliwang box-office hits tulad ng The Hows of Us, Hello, Love, Goodbye, One More Chance at Four Sisters and a Wedding. Dama rin ang BINI fever dahil mapapanood nang libre ang specials na BINI Docuseries, BINI World Tour Series, BINI Walo Hanggang Disyerto at ang reality songwriting competition nilang BINIVerse and Chorus.
Tampok din ang libreng pagpapalabas ng iWant originals na ipinalabas hanggang 2025, tulad ng Ghosting, AFAM Wives Club, Love at First Spike, Benta Nights, He’s Into Her at iba pa.
Pinangunahan nina ABS-CBN Digital head Jamie Lopez, head of iWant Jolly P. Estaris, at ABS-CBN Consumer Sales head Abigail Ng Sy, kasama ang DITO officials na sina chief revenue officer Atty. Adel Tamano, deputy chief revenue officer Miriam Choa, at OTT Product and Digital Partnerships head Clarissa Mendoza ang naganap na contract signing nitong Hunyo 4 (Huwebes).
- Latest





















