^

Police Metro

Gibo, dedma lang sa parusa ng China

Artemio Dumlao - Pang-masa
Gibo, dedma lang sa parusa ng China
Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr delivers a speech as he attends the sixth plenary session of the 23rd Shangri-La Dialogue summit in Singapore on May 31, 2026.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Mistulang balewala lang kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang ipinataw na parusa ng China laban sa kanya at sa miyembro ng kanyang pamilya at iginiit na hindi siya nito mapipigilan sa pagtupad sa kanyang tungkulin at pagtatanggol sa interes ng bansa.

Sa pahayag na inilabas ng Department of National Defense noong Biyernes, sinabi ni Teodoro na tugon ng Beijing ang naturang hakbang laban sa mga taong nagsasabi ng katotohanan tungkol sa aniya’y panlilinlang at mapilit na pagkilos ng China.

“Karapatan nila iyan. Ganoon talaga ang ginagawa nila sa mga nagsasabi ng katotohanan sa panlilinlang nila,” ani Teodoro.

Dagdag pa nito na mas mabigat na pagtrato ang dinaranas ng ilang mamamayang nasa ilalim ng impluwensiya o kontrol ng China.

Binigyang-diin ng kalihim na magpapatuloy siya sa pagganap ng kanyang mandato at pagtataguyod sa soberanya ng Pilipinas sa kabila ng mga parusa, lalo na sa harap ng tinawag niyang maling mga kilos ng China sa karagatang sakop ng bansa.

Si Teodoro ay kabilang sa mga pinakamalalakas ang tinig sa administrasyong Marcos pagdating sa pagkondena sa mga aktibidad ng Beijing sa West Philippine Sea.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with