^

Pang Movies

Kim, may resbak sa pagiging matanda!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kim, may resbak sa pagiging matanda!
Kim

Nag-react si Kim Chiu sa caption ng GMA Network sa post kung saan nag-sample siya ng kanta niya noong nasa Pinoy Big Brother pa siya na napanood sa It’s Showtime.

Ka-react-react naman talaga ang caption ng GMA.

“#ItsShowtime #Highlights: Kung naabutan mo ‘yung kanta ni Kim, ibig sabihin, matanda ka na.”

Nabasa ‘yun ni Kim at napa-comment ng “Houyyyyy! Super ka naman sa matanda!!!  Hahahahahahaha alam mong trentahin kana or more on kwarentahin! Wahahahaha.”

Hindi galit si Kim at may laughing emojis pa nga ang reaction comment niya na ikinatawa ng kanyang fans. Totoo naman daw kasi na matanda na siya at alangan namang sabihing bata pa siya. Ipinagdiinan pa ng fan ang edad nito.

Isa pang good news kay Kim, babalikan na nito ang recording and after ilang years, susundan na nito ang viral hit niyang Bawal Lumabas. Under StarPop ng Star Music ang kanyang label.

Jake, sasabak na rin sa teatro

Magti-theater na rin si Jake Cuenca, kasama siya sa cast ng The Art of Breaking Up to run from November to December at PETA Theater Center. First time yata ito ng aktor sa stage at marami na ang excited na mapanood siyang live na umaarte.

Ilan sa cast na makakasama ni Jake ay sina Yen Santos (tuluy-tuloy na ang pagbabalik), Brent Manalo, Jude Hinumdum, Yes Burce at Dingdong Bahan. Tungkol sa breakup ang play na based sa Kung Paano Maghiwalay ni George de Jesus.

Nakakatuwa ang reaction ng fans, hindi raw mahihirapang umarte si Jake lalo na sa break-up scenes  dahil sanay na ito. Ang dami na raw relasyon ang aktor na nagtapos, kaya puno siya ng experiences.

And speaking of Jake, sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin nitong binasted siya ni Yasmien Kurdi. Tinanong siya ni Boy Abunda kung sino sa mga niligawan niya ang ni-reject siya? “Oh my God! I can say one. I’ll never forget this – si  Yasmien Kurdi. I remember that. Alas, it didn’t go my way,” sagot ni Jake.

Kuwento pa ni Jake, noong nasa GMA siya, hindi girlfriend ang marami sa kanya. “Marami akong basted noon. Lahat na lang ng nililigawan ko, lahat ng nilalapitan ko noon, allergic talaga sa akin.”

May reaksyon ang fans at sino raw ang mag-aakala na ang GF niya ngayon ay taga-GMA ? Ang tinutukoy ay si Rabiya Mateo.

Kai at Ashtine, pinagkukumpara

Talagang may isyu ang AshDres fans nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga kay Kai Montinola na nali-link kay Andres.

Napag-usapan ng fans na usually ang Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical na sinasabing si Atasha Muhlach ang gaganap na si Annie Batungbakal.

Sabi ng fan, alam niyang dalawa ang gaganap na Annie B at nagtanong kung puwede kayang ang isang Annie B ay taga-Star Magic? Binanggit nito sina Alexa Ilacad, Carmelle Collado at Kai Montinola na puwedeng-puwede sa role, magaling na singer at dancer daw si Kai, kaya swak sa kanya ang mga ganitong project.

Saka, gusto raw ni Kai maging theater actress at wish ng fans nito, sana isama siya ng Viva sa cast ng musical. May nag-react agad na bakit pa kukuha ng hindi Viva artist ang Viva? Mas maganda raw kung si Ashtine ang kunin ng Viva na maging Annie B understudy, kumakanta at sumasayaw rin daw ito.

Dito na nagsimula ang sagutan ng fans ni Ashtine at fans ni Kai at damay ang fans ni Andres Muhlach. Ayaw lang daw ng AshDres fans na masama sa cast ng musical si Kai dahil makakatrabaho si Atasha na sister ni Andres at malaki ang posibilidad na magkikita sina Andres at Kai.

Lumalabas na selos ang dahilan kung bakit ayaw ng AshDres fans na makasama sa cast ng Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical si Kai.

JAKE CUENCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with