^

PM Sports

GAP pipili ng isasabak sa YOG

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matinding selection process ang gagamitin ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa pagpili sa dalawang atletang kanilang isasabak sa 2026 Youth Olympic Games na idaraos sa Dakar, Senegal.

Magpapadala ang GAP ng koponan sa 19th Junior Asian Artistic Gymnastics Championships sa Hunyo 18 hanggang 21 sa Zunyi, China.

Ito ang kanilang magiging basehan sa pagpili ng tig-isang atleta sa men at women’s division ng artistic gymnastics sa YOG na nakatakda sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13.

Isasalang ng GAP sa torneo ang anim na lalaki at limang babae sa Junior Asian Artistic Gymnastics Championships.

Inaasahang nagtungo na kahapon ang men’s team sa Zunyi kasunod ang women’s squad sa Hunyo 14.

Siyam na Universaity Places ang inilaan ng International Olympic Committee (IOC) para sa Pilipinas sa quadrennial event para sa mga atletang may edad 15-anyos hanggang 18-anyos.

Nauna nang nabigyan ng qualifications para sa YOG sina Pi Durde Wangkay at Naomi Cesar sa athletics, Maritanya Krog sa cycling at wushu taolu specialist Angel Polo.

Wala pang napapagaanan para sa tig-isang lahok sa men’s 100 meters butterfly at sa women’s 100 meters breaststroke sa swimming event. 

GYMNASTICS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with