^

Probinsiya

3 estudyante arestado sa pagbebenta ng marijuana

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
3 estudyante arestado sa pagbebenta ng marijuana
Nakilala ang mga suspek sa alyas na “Jawo”, 22; “Reno”, 18; kapwa nasa kolehiyo at alyas “Jos”, 16, Grade 10; at pawang residente ng Barangay District 4, Bayombong.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tatlong kabataan ang dinakip ng mga awtoridad matapos kumagat sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay Vista Allegre ng bayang ito, kama­kalawa.

Nakilala ang mga suspek sa alyas na “Jawo”, 22; “Reno”, 18; kapwa nasa kolehiyo at alyas “Jos”, 16, Grade 10; at pawang residente ng Barangay District 4, Bayombong.

Nabili sa mga suspek ang isang supot ng hinihinalang marijuana na nasa 50 gramo ang timbang at tinatayang nasa P6,000 ang halaga.

Nakuha rin sa tool box ng kanilang ginamit na motorsiklo ang pitong iba pang plastic ng napatuyong dahon ng marijuana na umabot sa 650 gramo at nagkakahalaga sa P78,000.

Nauna rito, naglatag ng pain ang mga ope­ratiba ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Nueva Vizcaya, PDEA Mt. Province, PNP Drug Enforcement Group, at Bayombong Police na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.

Isa sa mga suspek ang nagsabi na kaya niya nagawa ang pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot dahil sa kagustuhang may kitain na pera para may pambili umano sana ng uniporme, notebook, at papel at kanyang mga kapatid na mag-aaral ngayong pasukan.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with